“Ang Aking Temple Sketchbook,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 16–17.
Isinulat Mo
Ang Aking Temple Sketchbook
Hello!
Ako si Brayden, at nakatira ako sa Utah, USA.
Sasabihin ko sa inyo ang isang mithiin ko noong 10 taong gulang ako.
Nagsimula ang lahat sa isang biyahe para bisitahin ang lolo’t lola ko. May mga temple book ang lolo’t lola ko sa sala nila, at gustung-gusto kong tingnan ang mga larawan doon. Nagpasiya akong gumawa ng sarili kong temple book. Gumawa ako ng pangmatagalang mithiin na idrowing ang lahat ng templo.
Nagpasiya akong idrowing ang una kong templo. Kumuha ako ng lapis, naghanap ng larawan online, at idinrowing ko ang St. George Utah Temple. Pagkatapos ay idinrowing ko ang Logan Utah Temple at ang Manti Utah Temple. Iminungkahi ng nanay ko na gumamit ako ng malaking sketchbook para sa mga templo ko. Ngayon, makalipas ang isa’t kalahating taon, nasa pang-81 templo na ako, ang Reno Nevada Temple. May 105 templo pa akong idodrowing!
May mga pagkakataon na gusto kong itigil ang templong idinodrowing ko. Kapag nangyayari ito, nagdarasal ako at hinihiling ko sa Ama sa Langit na tulungan akong gawin ang mahihirap na bahagi.
Ang isang bagay na nakakatuwa sa mithiing ito ay kung paano ito nakatulong sa tatlong nakababata kong kapatid na lalaki na mas mahalin ang templo. Idinodrowing ng nakababata kong kapatid na si Kade ang mga templong gusto niyang bisitahin balang-araw, at nagdodrowing ng mga templo ang iba ko pang mga kapatid na lalaki para sa mga guro at kaibigan.
Nakatulong din ang layunin ko na malaman ko ang ilan sa iba ko pang mga interes. Gustung-gusto kong nagdidisenyo! Nagsimula akong lumikha ng mga 3D temple model noong nakaraang tag-init, at inaasam kong maging arkitekto paglaki ko.
Nakatulong ang mithiing ito na mas mapalapit ako sa Ama sa Langit at kay Jesus. Tuwing magdodrowing ako ng templo, nadarama ko ang Espiritu. Alam ko na ang mga templo ay bahay ng Diyos. Kamakailan, nakapasok ako sa loob ng Payson Utah Temple at iba pa. Nadarama ko nang napakatindi ang Espiritu kapag gumagawa ako ng mga pagbibinyag sa templo.
Tuwing makakakita ako ng templo, nakakatulong ito para maging mas matatag ako sa pagpili ng tama.
Mga drowing ni Brayden B.