2024
Hello mula sa Kenya!
Nobyembre 2024


“Hello mula sa Kenya!” Kaibigan, Nobyembre 2024, 12–13.

Hello mula sa Kenya!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Kenya ay nasa East Africa. Halos 50 milyong tao ang naninirahan doon!

Wika

Pabalat ng magasing Kaibigan

Ang Kenya ay may dalawang opisyal na wika: Swahili at English. Marami ring iba pang mga wikang sinasalita doon.

Pagbisita sa Kenya

Si Elder Rasband nang bumisita sa Kenya

Noong Mayo 2022, binisita ni Elder Ronald A. Rasband ang pinagtatayuan ng Nairobi Kenya Temple. Isa raw ito sa mga paborito niyang sandali nang magbiyahe siya sa Kenya.

Mga Kawan ng mga Flamingo

Mga Flamingo

Kapag maraming halamang-tubig sa Lake Nakuru, libu-libong flamingo ang dumarating para kainin iyon. Ang dami ng mga flamingo ay kayang gawing kulay-rosas ang buong lawa!

Pambihirang mga Runner

Grupo ng mga runner

Ang Kenya ay tahanan ng marami sa pinakamagagaling na long-distance runner sa mundo. Nanalo na sila ng 106 na medalya mula sa mga running event sa Olympics.

PDF

Mga larawang-guhit ni Ruth Hammond