2024
Si Mormon at ang mga Laminang Ginto
Nobyembre 2024


“Si Mormon at ang mga Laminang Ginto,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 26–27.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Si Mormon at ang mga Laminang Ginto

Si Mormon nang malaman ang tungkol sa mga lamina

Mga larawang-guhit ni Andrew Bosley

Si Mormon ay isang propeta noon. Noong siya ay 10 taong gulang, sinabihan siya ng isang lider na nagngangalang Ammaron na tandaan ang nangyari sa kanyang mga tao upang maisulat niya iyon sa mga laminang ginto kalaunan. Mga lamina ang pinagsulatan ng mga propetang Nephita.

Pagtatago at pagkakita sa mga lamina

Itinago ni Ammaron ang mga lamina dahil maraming tao ang nagpakasama. Sinabi niya kay Mormon kung saan matatagpuan ang mga ito. Nang mas matanda na si Mormon, kinuha niya ang mga laminang ginto. Iningatan niya ang mga ito at sumulat doon tungkol sa kanyang mga tao.

si Mormon na nagsusulat sa mga lamina

Masasama pa rin ang mga tao, pero sinikap ni Mormon na turuan sila. Sumulat din siya sa mga lamina tungkol sa Tagapagligtas. Dahil kay Mormon, mababasa natin ang mga salita ng mga propeta sa Aklat ni Mormon ngayon.

Mga batang nagbabasa ng Aklat ni Mormon

Kahit bata pa si Mormon, nagtiwala sa kanya ang Panginoon. Maaari ka ring sumunod sa Panginoon habang bata ka pa!