“Si Jesucristo ay Paparitong Muli,” Kaibigan, Nobyembre 2024, 2–3.
Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta
Si Jesucristo ay Paparitong Muli
Hango sa “Ang Panginoong Jesucristo ay Paparitong Muli,” Liahona, Nob. 2024, 121–22.
Ito ang pangako ng Tagapagligtas sa inyo: “Ako ay papasainyong kanang kamay at sa inyong kaliwa, at ang aking Espiritu ay papasainyong mga puso, at ang aking mga anghel ay nasa paligid ninyo, upang dalhin kayo” (Doktrina at mga Tipan 84:88).
Inako ni Jesucristo sa Kanyang sarili ang inyong mga kasalanan, ang inyong mga pasakit, at ang inyong mga pighati. Patatawarin Niya kayo kapag nagsisisi kayo. Bibiyayaan Niya kayo ng mga kailangan ninyo.
Nananawagan ako sa inyo na tumulong na tipunin na ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Panginoon. Nananawagan ako sa inyo na mangusap tungkol kay Cristo, magpatotoo tungkol kay Cristo, manampalataya kay Cristo, at magalak kay Cristo! Ito ang sikreto sa buhay na puno ng kagalakan.
Ang pinakamainam ay darating pa kapag lubos nating ibinaling ang ating puso at buhay kay Jesucristo.
Handa Kapag Siya ay Pumaritong Muli
Inanyayahan tayo ni Pangulong Nelson na maghanda para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Idrowing ang iyong gagawin para makapaghanda. Hanapin sa ibaba ang ilang ideya mula sa mensahe ni Pangulong Nelson!
Gumawa at tumupad ng mga tipan
Tumulong na ilapit ang iba kay Cristo
Maghandang pumunta sa templo
Matuto tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala