Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Northern Ireland
Abril 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Northern Ireland,” Kaibigan, Abril 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Northern Ireland

Kilalanin si Rory!

Paano Sinusunod ni Rory si Jesus

Larawan
Collage ng mga retrato ni Rory na kasama ang kanyang pamilya, habang naghuhugas ng mga pinggan, nagba-vacuum, at nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid

Tinutulungan ni Rory ang kanyang pamilya na linisin ang kanilang bahay. Para sa kanya masayang maghugas ng mga pinggan. “Talagang abala si Inay sa pag-aalaga sa limang anak at pag-aaral para sa kanyang university degree,” sabi ni Rory. “Kaya kung gagawin ko ang isang bagay na karaniwan niyang gagawin, makakapagpahinga siya.”

Ang pag-alo sa iba ay isa pang paraan ng pagsunod ni Rory kay Jesucristo. Kamakailan ay sumali ang maliit na kapatid niyang babae sa isang bagong youth club. Kinabahan siyang magpunta sa unang pagkakataon. Inalo siya ni Rory at sinabihan na magiging maayos ang lahat. “Gusto ko siyang tulungan para maging masaya siya tulad ko noong magpunta ako,” sabi niya. “Gumanda ang pakiramdam ko batid na napasaya ko siya.”

Tungkol kay Rory

Larawan
Si Rory na nakangiti

Edad: 10

Mula sa: Country Antrim, Northern Ireland

Wika: Ingles

Mithiin: 1) Maging football player. 2) Magmisyon.

Mga Libangan: Paglalaro ng football, mga board game, at mga card game

Pamilya: Inay, Itay, tatlong kapatid na lalaki, at isang kapatid na babae

Mga Paborito ni Rory

Kuwento sa Aklat ni Mormon: Pagprotekta ni Ammon sa mga tupa ng hari (tingnan sa Alma 17)

Tradisyon ng Pamilya: Pagsusuot ng magkakaternong pajama sa Pasko

Prutas: Pinya

Kulay: Asul

Awitin sa Primary: “Katotohanan N’ya’y Dadalhin Natin sa Mundo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 92–93)

Larawan
PDF ng Kuwento