Kaibigan
Hello mula sa Northern Ireland!
Abril 2024


“Hello mula sa Northern Ireland!” Kaibigan, Abr. 2024, 8–9.

Hello mula sa Northern Ireland!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Northern Ireland ay bahagi ng United Kingdom. Ito ay nasa isang isla na kung minsa’y tinatawag na Emerald Isle dahil berdeng-berde ito! Halos 2 milyong tao ang naninirahan doon.

Mga Unang Missionary

Larawan
Mga missionary at bukirin ng mga ligaw na bulaklak

Ang Northern Ireland ay isa sa mga unang lugar na binisita ng mga missionary sa labas ng USA.

Isports

Larawan
mga lalaking naglalaro ng rugby

Ang Rugby ay isang popular na isport sa Northern Ireland. Nilalaro ito sa pamamagitan ng pagtakbo habang hawak ang isang bolang hugis-itlog at pag-touch down nito sa goal area ng kalabang team.

Musika

Larawan
Recorder at lalaking tumutugtog ng biyolin sa tabi ng mga kabayo

Ang tradisyonal na musikang Irish ay kadalasang may kasamang mga biyolin, plauta, at banjo. Maririnig mong tinutugtog ito sa buong isla, pero popular din ang musikang Irish sa buong mundo!

Wika

Larawan
Magasing Kaibigan sa Ingles

Ingles ang pinaka-karaniwang wika sa Northern Ireland. Mahalaga rin doon ang Gaeilge (Irish) at Ulster Scots. Ang Gaeilge ay isa sa mga pinakamatatandang wika sa mundo!

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Hector Borlasca