Kaibigan
Maaari Kong Tularan si Jesus sa Pagsasabi ng Sori
Abril 2024


“Maaari Kong Tularan si Jesus sa Pagsasabi ng Sori,” Kaibigan, Abril 2024, 44–45.

Maaari Kong Tularan si Jesus sa Pagsasabi ng Sori

Larawan
Galit na batang lalaki na may hawak na sirang laruan at nakatingin sa isa pang batang lalaki

Mga larawang-guhit ni Cherie Zamazing

Kung minsan may nasasabi akong masasamang salita sa iba.

Larawan
Batang lalaking umiiyak

Pero itinuro ni Jesucristo kung paano ko maitatama ang mga bagay-bagay.

Larawan
Batang lalaking may hawak na laruan na nagsosori sa batang lalaking umiiyak

Maaari akong magsori kapag napasama ko ang loob ng iba.

Larawan
Mga batang lalaking nakangiti at magkayakap

Maaari kong subukang maging mas mabait bawat araw, tulad ni Jesus.

Oras ng Aktibidad

Hanapin sa mas malaking larawan ang mga piraso sa ibaba. Kailan ka nagsori matapos kang magkamali ng pasiya?

Larawan
Batang babaeng may bisikleta at basag na palayok