Kaibigan
Ano ang mga Binyag sa Templo?
Abril 2024


“Ano ang mga Ordenansa at Tipan?” Kaibigan, Abril 2024, 22.

Mga Temple Card

Ano ang mga Binyag sa Templo?

Itinuro ni Jesucristo na kailangan tayong mabinyagan para muling makapiling ang Diyos (Juan 3:5). Kung mamamatay ang isang tao nang hindi nabibinyagan, maaaring binyagan ang isang tao para sa kanila sa loob ng templo. Pagkatapos ay maaaring piliin ng taong namatay na tanggapin ang binyag. Nangako ang mga propeta na ang pagsasagawa ng mga binyag sa templo ay tutulong sa atin na mas mahalin ang ating mga ninuno.

Preston England Temple

  • Ito ang pangalawang templong itinayo sa United Kingdom.

  • Ang Missionary Training Center ay katabi ng templo!

  • Ang labas ay yari sa puting granite mula sa isang isla sa Italy.

Lubumbashi Democratic Republic of the Congo Temple

  • Ito ang pangalawang templong itatayo sa bansa. Malapit nang itayo ang pangatlo!

  • Sa ngayon, ang pinakamalapit na templo ay 1,500 milya (2,400 km) ang layo.

  • Itatayo ito malapit sa isang lawa na tinatawag na Lac Kipopo.

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Rachel Erickson