Kaibigan
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Abril 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Abril 2024, 28–29.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Abril 1–7

Pagbibigayan

Para sa Jacob 1–4

Larawan
Mga batang sama-samang nagluluto

Itinuro ni Jacob na dapat tayong maging “mapagbigay sa [ating] pag-aari” (Jacob 2:17). Nangangahulugan iyan ng pagbibigay kung ano ang mayroon tayo sa iba. Maghanda ng pagkaing ipamimigay sa ilang kapitbahay o mga kaibigan!

Abril 8–14

Team Tag

Tingnan sa Jacob 5–7

Larawan
Mga batang nagtatakbuhan

Hiniling sa atin ni Jacob na “mangunyapit,” o manatili tayong malapit sa Diyos nang buong puso (Jacob 6:5). Maglaro ng isang laro tungkol sa pananatiling magkakasama bilang isang team! Pumili ng isang tao para maging tagahabol. Kapag tinapik ng tagahabol ang isang tao, maghahawak-kamay sila at hahabulin ang iba pang mga manlalaro. Kapag natapik ang kasunod na tao, hahawakan din siya sa kamay ng isa sa mga tagahabol. Patuloy na maglaro hanggang sa magkakahawak-kamay na silang lahat.

Abril 15–21

Mga Link ng Pamilya

Para sa Enos–Mga Salita ni Mormon

Larawan
Mga kamay na nagsusulat sa isang papel

Isinulat ng mga tao sa Aklat ni Mormon ang kasaysayan ng kanilang pamilya sa mga lamina (tingnan sa Omni 1:1). Maaari mo ring isulat ang kasaysayan ng inyong pamilya! Isulat ang iyong pangalan sa isang papel. Iteyp o idikit ang mga dulo para makagawa ng singsing. Pagkatapos ay isulat sa ibang papel ang pangalan ng isang kapamilya at idugtong ito sa singsing. Iteyp o pagdikitin ang mga dulo. Magdagdag ng maraming link ng pamilya hangga’t kaya mo!

Abril 22–28

Bumaling sa Propeta

Para sa Mosias 1–3

Larawan
Mga batang nasa ilalim ng kumot

Iniharap ng mga Nephita ang kanilang mga tolda kay Haring Benjamin upang marinig nila ang kanyang mga salita (tingnan sa Mosias 2:6). Gumawa ng sarili mong tolda gamit ang mga kumot, unan, at muwebles. Pagkatapos ay sama-samang panoorin o basahin ang isa sa mga mensahe ng propeta!

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill