2023
Mga Tala sa Kumperensya
Nobyembre 2023


“Mga Tala sa Kumperensya,” Kaibigan, Nob. 2023, 5.

Mga Tala sa Kumperensya

Tulong mula sa Espiritu Santo

Larawan
alt text

Sinabi ni Pangulong Eyring na nahihikayat siya kapag nababasa niya ang kuwento tungkol sa pagkuha ni Nephi ng mga laminang tanso mula kay Laban. Hindi alam ni Nephi kung ano ang eksaktong gagawin, ngunit ginabayan siya ng Espiritu Santo sa bawat sandali. Kapag inuutusan tayo ng Panginoon na gawin ang isang bagay na mahirap, tutulungan din tayo ng Espiritu Santo.

Itinuturo nito sa akin na:

Alalahanin Kung Sino Ka

Larawan
alt text

Inanyayahan tayo ni Elder Stevenson na tumigil sa tuwing makikita natin ang ating sarili sa salamin at sabihing, “Wow, ang galing ko! Kamangha-mangha ako! Ako ay anak ng Diyos! Kilala Niya ako! Mahal Niya ako! Ang paggawa nito ay tutulong sa atin na maalala kung sino talaga tayo at kung paano tayo matutulungan ng Diyos at ng Espiritu Santo.

Itinuturo nito sa akin na:

Pananampalataya kay Jesucristo

Larawan
alt text

Ibinahagi ni Elder Costa ang kuwento nang payapain ni Jesucristo ang bagyo. Lahat tayo ay may mahihirap na unos, o hamon, sa buhay. Pero hindi natin kailangang harapin ang mga ito nang mag-isa. Ang pagsampalataya kay Jesucristo ay magbibigay sa atin ng kapangyarihan at kapayapaan na kailangan natin para harapin ang anumang bagyo.

Itinuturo nito sa akin na:

Lumakad sa Landas na Kasama Niya

Larawan
alt text

Ikinuwento ni Pangulong Freeman ang tungkol sa panahon na gusto niyang bisitahin ang isang espesyal na daan, kahit nasaktan ang bukung-bukong niya. Hindi siya makakalakad nang mag-isa sa daan, kaya tinulungan siya ng trail guide o gabay. Tulad ng guide ni Pangulong Freeman, tutulungan tayo ni Jesucristo sa anumang hamon habang sinisikap nating tuparin ang ating mga tipan.

Itinuturo nito sa akin na:

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Josh Talbot