2023
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 2023


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Nob. 2023, 10–11.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin*

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Si Jesucristo ang Ating Gabay

Para sa Mga Hebreo 1–6

Larawan
alt text

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Kuwento: Si Jesucristo “ang tagapagtatag ng [ating] kaligtasan” (Mga Hebreo 2:10). Isang kapitan ang gumagabay sa barko sa dagat. Magagabayan din tayo ni Jesus patungo sa langit upang makapiling natin Siya balang-araw!

Awitin: “Kailangan Ko Kayo” (Mga Himno, blg. 54)

Aktibidad: Magdrowing ng isang bangka sa ibabaw ng mga alon. Pagkatapos ay isulat o pag-usapan ang mga paraan na masusunod ninyo si Jesucristo. Paano Niya kayo ginagabayan sa buhay ninyo?

Mga Bayani ng Pananampalataya

Para sa Mga Hebreo 7–13

Larawan
alt text

Kuwento: Sinasabi sa mga banal na kasulatan na ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na hindi mo nakikita (tingnan sa Mga Hebreo 11:1). Ikinukuwento sa Mga Hebreo 11 ang tungkol sa maraming taong nanampalataya. Ang pagsampalataya kay Jesucristo ay nagbibigay sa atin ng kapayapaan at tapang.

Awitin: “Pananalig” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 50–51)

Aktibidad: Maghalinhinan sa pagpili ng isang bayani sa banal na kasulatan mula sa Mga Hebreo 11. Magtatanong ang lahat ng iba pa para mahulaan ang bayani. Paano ka mananampalatayang tulad ng mga tao sa mga banal na kasulatan?

Pakaladkad na Paglilingkod

Para sa Santiago

Larawan
alt text

Kuwento: Itinuro ni Apostol Santiago na dapat nating tulungan ang mga nangangailangan (tingnan sa Santiago 1:27). Sino ang nangangailangan ng tulong mo?

Awitin: “Kung Tayo’y Tumutulong,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 108)

Aktibidad: Magkarerahan! Magtakda ng simula at katapusang linya. Pagkatapos ay lumipat sa katapusang linya sa pamamagitan ng pagkaladkad sa inyong mga paa nang hindi iniaangat ang mga ito. Ang panalo sa karerahan ay pipili ng isang simpleng paglilingkod na gagawin para sa grupo, tulad ng pagpapadala ng magandang mensahe sa isang tao o pagbisita sa isang taong nalulungkot.

Tulong para sa Ating mga Ninuno

Para sa 1 at 2 Pedro

Larawan
alt text

Kuwento: Maaaring matutuhan ng ating mga ninuno ang tungkol sa ebanghelyo pagkamatay nila (tingnan sa 1 Pedro 4:6). Sa templo, maaari tayong mabinyagan para sa kanila at tulungan sila na sundin si Jesucristo!

Awitin: “Kasaysayan ng Mag-anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 100)

Aktibidad: Gumamit ng blocks o sugar cubes para bumuo ng isang templo. Paano kayo makapaghahandang pumasok sa templo?

Pagbibigay ng Pagmamahal

Para sa 1–3 Juan; Judas

Larawan
alt text

Kuwento: Mahal tayong lahat ng Ama sa Langit! Itinuro sa atin ni Apostol Juan na mahalin din ang iba (tingnan sa 1 Juan 4:19, 21). Paano ninyo maipapakita ang pagmamahal ninyo sa iba?

Awitin: “Kung Saan Naroon ang Pag-ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 76–77)

Aktibidad: Buklatin sa pahina 12 para gumawa ng isang puso. Pagkatapos ay ibigay ang mga puso sa mga taong mahal ninyo!