2023
Naghahanda si Akoni para sa Templo
Nobyembre 2023


“Naghahanda si Akoni para sa Templo,” Kaibigan, Nob. 2023, 36–37

Naghahanda si Akoni para sa Templo

Kilalanin si Akoni at alamin kung paano siya naghandang pumunta sa templo.

Larawan
alt text

Si Akoni ay 12 taong gulang. Naninirahan siya sa New Mexico, USA, sa Navajo Nation. Isang lugar ito ng Estados Unidos na pinamamahalaan ng mga mamamayang Navajo. Mahigit 250,000 katao ang naninirahan doon.

Larawan
alt text

Noong mas bata pa si Akoni, minasdan niya ang kanyang mga ate at kuya na pumunta sa Young Women at Young Men.

Larawan
alt text

Nakita rin niya kung gaano sila kasaya nang pumunta sila sa templo. Sabik din si Akoni na bumisitia sa templo.

Naghanda si Akoni para sa Young Men sa pamamagitan ng pagsisimba at pagkausap sa kanyang pamilya.

Nagtanong siya tungkol sa templo para maging handa siyang makapasok.

Larawan
alt text

“Kinabahan akong pumunta sa templo sa unang pagkakataon,” sabi ni Akoni. “Pero kapag nasa templo ako, pakiramdam ko ay ligtas ako.”

Larawan
alt text

Ang pinakamalapit na templo kay Akoni ay ang Albuquerque New Mexico Temple. Apat na oras ang biyahe papunta roon. Tuwang-tuwa si Akoni na magtatayo na ng isang bagong templo na mas malapit.

Inaasam ni Akoni na makapagmisyon siya balang-araw, tulad ng kanyang mga ate at kuya.

Nagsimula na siyang magbahagi ng ebanghelyo sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanyang kaibigan sa simbahan. Gusto rin niyang maging halimbawa sa kanyang nakababatang kapatid at sa iba!

Larawan
alt text

Ang matataas na bato sa larawang ito ay tinatawag na “mga pakpak ng mga bato.” Ang lugar na ito ay mahalaga para sa mga mamamayang Navajo.

Larawan
alt text here