2023
Mga Niyog at Ikapu
Nobyembre 2023


“Mga Niyog at Ikapu,” Kaibigan, Nob. 2023, 8–9.

Isinulat Mo

Mga Niyog at Ikapu

Larawan
alt text

Hi! Ang pangalan ko ay Avehei. Nakatira ako sa Tahiti! Sa aking isla, gustung-gusto kong lumabas ng bahay. Nagha-hiking ako at lumalangoy sa ilog o karagatan. Nasisiyahan din akong gawin ang mga bagay-bagay na kasama ang pamilya ko. Mahilig akong magluto, maglaro ng card games, at mag-hiking. Mahilig akong maglaro ng bola at umakyat ng mga puno kasama ang mga kapatid at pinsan ko.

Kapag tag-init at walang pasok, nagtatrabaho kami ng kapatid ko sa isang taniman ng niyog. Nagtitipon kami ng mga niyog at inilalagay ang mga iyon sa malaking tumpok. Nagtitipon din kami ng mga patay na dahon upang manatiling malinis ang taniman.

Larawan
alt text

Binabayaran kami ng aming lolo-sa-tuhod kapag nagtatrabaho kami sa taniman. Lagi akong nagbabayad ng aking ikapu sa perang tinatanggap ko. Natutuhan ko mula sa aking pamilya at mga guro sa Primary kung paano magbayad ng ikapu.

Nagbabayad ako ng ikapu dahil alam ko na pinagpapala kami ng aking pamilya kapag sumusunod ako. Biniyayaan ako ng isang pamilya, bahay, at isang magandang mundo sa aking paligid.

Alam ko na ang Diyos ay buhay at na mahal Niya ako. Nagpapasalamat ako sa Ama sa Langit sa pamilyang ibinigay Niya sa akin.

Larawan
alt text
Larawan
alt text here