2023
Hello mula sa Indonesia
Nobyembre 2023


“Hello mula sa Indonesia!” Kaibigan, Nob. 2023, 18–19.

Hello mula sa Indonesia!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Larawan
alt text here

Ang Indonesia ay isang bansa sa Southeast Asia. Mayroon itong mahigit 17,000 mga isla! Halos 280 milyong tao ang naninirahan doon.

Isang Lumalagong Simbahan

Larawan
alt text here

Binisita ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga miyembro sa kabiserang lungsod, ang Jakarta, noong 2019. At sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2023, ibinalita niya na isang templo ang itatayo roon!

Mga Lugar ng Pagsamba

Larawan
alt text here

Nasa Indonesia ang pinakamalaking mosque ng Islam sa Southeast Asia. Naroon din ang pinakamalaking templong Buddhist sa mundo.

Isang Asul na Bulkan!

Larawan
alt text here

Mas maraming aktibong bulkan sa Indonesia kaysa saanmang bansa. Ang Kawah Ijen volcano ay may mga asul na apoy na makikita sa gabi.

Nagsasalita Ka ba ng Wika Ko?

Larawan
alt text here

Indonesian ang opisyal na wika. Pero mahigit 700 mga wika ang sinasalita sa Indonesia! Ang ibig sabihin ng sawikain ng kanilang bansa ay “Marami, pero iisa” para ipakita na nagkakaisa sila.

Tahanan ng mga Dragon

Larawan
alt text here

Ang mga Komodo dragon ang pinakamalalaking butiki sa mundo. Maaari itong lumaki nang hanggang 10 talampakan (3 m) ang haba!

Larawan
alt text here

Mga larawang-guhit ni Conner Gillette