2023
Ano ang Nasa Isip Mo?
Nobyembre 2023


“Ano ang Nasa Isip Mo?” Kaibigan, Nob. 2023, 38.

Ano ang Nasa Isip Mo?

Pakiramdam ko napakaraming nagbabago, at hindi ako handa. Bakit hindi na lang manatiling pareho ang mga bagay-bagay?

—Paglaki sa Granada

Larawan
alt text

Larawang-guhit ni Pauline Gregory

Mahal kong Paglaki,

Isipin ang paborito mong kuwento ng pakikipagsapalaran. Nakaranas ng ilang malalaking pagbabago at hamon ang mga bayani bago nila naabot sa huli ang kanilang mithiin, hindi ba? Kung walang nagbago para sa kanila, hindi magkakaroon ng pakikipagsapalaran! Hindi masaya ang wakas!

Mahalaga rin ang pagbabago sa kuwento mo. Normal lang ang malungkot, mag-alala, o matakot. Pero tandaan na ikaw ang bayani sa kuwento mo. Bawat pagbabago ay isang pagkakataon para matuto at lumago. At tutulungan ka ng Ama sa Langit.

Good luck sa mga pakikipagsapalaran mo!

Ang Kaibigan

Sumali sa pag-iisip na makipagsapalaran sa pamamagitan ng pagdodrowing sa sarili mo bilang isang bayaning nakikipagsapalaran!