2021
Scripture Time Fun
Enero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Ang mga ideyang ito ay kasama sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

home evening ideas

Basahin ang Doktrina at mga Tipan

Para sa Doktrina at mga Tipan 1

  • Awitin ang “Hanapin si Cristo Habang Bata” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 67).

  • Tinawag ni Jesucristo si Joseph Smith para tulungang itayong muli ang Kanyang Simbahan. Binigyan Niya si Joseph ng mga espesyal na tagubilin na nakasulat para mabasa natin ang mga ito ngayon (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 1:17, 30).

  • Sa pahina 24, humanap ng tsart sa pagbasa para matulungan kayong basahin ang Doktrina at mga Tipan sa buong taon! Basahin at kulayan ang nauna para makapagsimula ka.

Kapangyarihan ng Panalangin

Para sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26

  • Awitin ang “Unang Panalangin ni Joseph Smith” (Mga Himno, blg. 20).

  • May tanong si Joseph Smith. Noong nanalangin siya, ang Ama sa Langit at si Jesus ay nagpakita at sumagot sa kanya (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:15–19).

  • Pinapakinggan din ng Ama sa Langit ang iyong mga panalangin! Karaniwan ay sumasagot Siya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Pumili ng kuwento tungkol sa panalangin (tingnan sa pahina 12, 36, o 46) at basahin ito nang sabay-sabay. Paano sinagot ng Ama sa Langit ang panalangin sa kuwento? Paano Siya sumagot sa iyo?

Mga Puso ng Pamilya

Para sa Doktrina at mga Tipan 2, Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65

  • Awitin ang “Kasaysayan ng Mag-anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 100).

  • Isinugo ng Panginoon si Elijah upang ibaling ang ating puso sa ating mga kapamilya na nabuhay bago pa tayo nabuhay (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 2:2). Kapag ibinabaling natin ang ating puso sa ating mga pamilya, naaalala at ginagawa natin ang gawain sa templo para sa kanila.

  • Gumupit ng ilang pusong papel. Isulat ang pangalan ng isang miyembro ng pamilya sa bawat isa. Magpalitan sa paghawak sa mga puso at magbahagi ng mga kuwento tungkol sa bawat tao. Maaari ninyong hilingin sa inyong mga magulang na magkuwento tungkol sa kanilang mga magulang o lolo’t lola.

Sundin ang Lider, Sundin ang Diyos

Para sa Doktrina at mga Tipan 3–5

  • Awitin ang “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 68–69).

  • Nalaman ni Joseph Smith na ang pagsunod sa mga tagubilin ng Diyos ay mas mahalaga kaysa sa paggawa ng nais ng ibang tao (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 3:5–8).

  • Ngayon ay maglaro! Pumili ng isang tao para maging lider. Bibigyan ng lider ang bawat tao ng tungkulin, tulad ng paglakad sa silid o pagpalakpak nang tatlong beses. Gawin ang ipinagagawa ng lider, sa halip na gawin ang ginagawa ng mga taong nakapaligid sa iyo!

Manalangin at Maglingkod

Para sa Doktrina at mga Tipan 6–9

  • Awitin ang “Babasahin, Uunawain, at Mananalangin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 66).

  • Kapag gusto nating gumawa ng mabubuting bagay, tutulungan tayo ng Ama sa Langit. Maaari nating itanong sa Kanya kung sino ang matutulungan natin, at sasagot Siya (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 6:5, 8).

  • Basahin angAng Panalangin ng Tinapay” sa pahina 16. Pagkatapos ay magdasal para malaman kung sino ang matutulungan mo, at gumawa ng kabutihan para sa kanila!

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill