MUSIKA
Ang Aking Pastol
May pagninilay: [quarter note] = 48–55
1. Matagal na ang nakalipas sa Galilea
Lumakad si Jesus sa tabi ng dagat
At hiniling sa mga mangingisda
Sumunod sa Kanya.
Tulad ng mga tapat noon,
Pipiliin kong sumunod,
Dahil si Jesucristo ay tumatawag sa akin.
2. Ipinakita sa atin si Jesus noon pa
Paano tulungan ang maysakit, ang giniginaw,
Mahalin at pangalagaan ang yaong
Pinakanangangailangan sa atin.
Aaliwin ko ang mga nangangailangan.
Palalakasin ko ang mga tuhod na mahihina
At ipakikita ang pag-ibig sa loob ko.
[Koro] Susundin ko kung nasaan ang aking Tagapagligtas.
Makikinig ako kapag nananawagan Siya sa akin.
Ipamumuhay ko ang pinaniniwalaan ko.
At kapag kailangan ko, dadalhin niya ako.
Siya ang aking Pastol, at ako ang Kanyang tupa.