2021
Scripture Time Fun para sa mga Bata
Enero 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Masayang Gawain para sa mga Banal na Kasulatan para sa mga Bata

Magagamit ninyo ang mga ideyang ito bilang tulong sa pagtuturo gamit ang Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

Para sa Doktrina at mga Tipan 1: Tulungan ang mga bata na sabihing, “Si Joseph Smith ay isang propeta.” Pagkatapos ay pumunta sa children.ChurchofJesusChrist.org at i-klik ang “Musika” para maghanap ng isang kanta na aawitin tungkol kay Joseph Smith.

Para sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26: Tulungan ang mga bata na sabihing, “Dinirinig ng Ama sa Langit ang mga dalangin ko.” Pagkatapos ay gamitin ang tulang ito para turuan ang inyong mga anak kung paano magdasal: “Ako’y pumipikit. Ako’y yumuyuko. Habang nagdarasal kamay ko’y nakatiklop.”

Para sa Doktrina at mga Tipan 2, Joseph Smith—Kasaysayan 1:27–65: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Mahal ko ang aking pamilya.” Itaas ang isang litrato ng pamilya at tulungan ang inyong anak na ituro ang bawat tao at sabihin ang kanilang pangalan.

Para sa Doktrina at mga Tipan 3–5: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Kaya kong sundin ang Diyos.” Maglaro ng sundin-ang-pinuno at ibigay sa inyong anak ang mga tagubilin nang paisa-isa. Pumalakpak nang magkasama kapag tama ang inyong anak.

Para sa Doktrina at mga Tipan 6–9: Tulungan ang inyong mga musmos na sabihing, “Kaya kong gawin ang mabuti.” Pagkatapos ay tulungan silang gumawa ng kard o regalo na ibibigay sa isang kapitbahay, o humanap ng isa pang nakatutuwang paraan para makapaglingkod. ●

Mga paglalarawan ni John Joven