Mga Anak
May Layunin


berdeng icon

May Layunin

Ipaunawa sa mga bata na magagamit nila ang mga device sa mabubuting paraan.

Paghihikayat ng Positibong Paggamit:

· Pag-usapan ninyo ng inyong mga anak ang mga pakinabang ng paggamit ng mga device.

· Ipakita kung paano maaaring humantong ang mga device sa pagkatuto, pagiging malikhain, at pagkabigkis sa isa’t isa ng mga mahal sa buhay.

· Ituro sa mga bata na kung may makita silang hindi tama sa pakiramdam nila ay hindi nila iyon kasalanan.

Mga Tech Talk (Paano Kausapin ang Inyong Anak tungkol sa Teknolohiya)

Gumamit ng mga alituntunin at tanong na nauunawaan ng inyong anak.

  • “Matutulungan tayo ng ating mga device na matuto, maglaro, at makipag-usap sa iba. Paano mo gustong gamitin ang device mo ngayon?”

  • “Okay lang na magtanong tungkol sa nakikita natin sa ating mga screen. Kung may isang bagay na hindi tama sa pakiramdam mo, pag-usapan natin iyon.”

  • “May mga bagay sa iyong device na maaaring kakatwa o nakakatakot sa iyo. Kapag naranasan mo iyan, tumigil ka at sabihin mo sa akin iyon. Maaari nating pag-usapan iyon.”

Tiyakin Kung Nauunawaan ng Bata ang Itinuturo

  • “Ano ang ilang masaya at mabuting bagay na magagawa natin sa ating mga device?”

  • “Ano ang dapat mong gawin kung may makita ka online na nakakabalisa o nakakalito sa iyo?”

  • “Paano natin magagamit ang ating mga device para matuto ng mga bagong bagay?”

mga icon