Tumigil Sandali
Tulungan ang mga bata na makita na dapat silang magpahinga sandali mula sa mga device at gumawa ng ibang mga bagay.
Pagtataguyod ng Maiikling Pahinga:
-
Regular na magpahinga sandali sa screen time upang hindi sila mapagod. Tulungan silang makibahagi sa ibang mga aktibidad.
-
Tulungan ang mga bata na malaman kapag oras na para magpahinga sandali.
-
Ituro sa mga bata na kung may makita silang hindi tama sa pakiramdam nila ay hindi nila iyon kasalanan.
Mga Tech Talk (Paano Kausapin ang Inyong Anak tungkol sa Teknolohiya)
Gumamit ng mga alituntunin at tanong na nauunawaan ng inyong anak.
-
“Kailangan nating magpahinga sandali sa ating mga screen at gumawa ng ibang mga bagay na gusto natin. Ilapag natin ang ating mga device at maglaro tayo o magbasa tayo ng aklat.”
-
“Kung may isang bagay sa iyong device na maaaring kakatwa o nakakatakot sa iyo, okay lang na tumigil at sabihin iyon sa akin. Maaari nating pag-usapan iyon.”
Tiyakin Kung Nauunawaan ng Bata ang Itinuturo
· “Bakit natin kailangang magpahinga mula sa ating mga screen?”
· “Anong masasayang bagay ang magagawa natin kapag hindi natin ginagamit ang ating screen time?”
· “Paano mo malalaman kung oras na para magpahinga sandali mula sa iyong device?”