Mga Anak
Mga Paraan ng Pamamahala sa Paggamit ng Teknolohiya


mga icon

Mga Paraan ng Pamamahala sa Paggamit ng Teknolohiya

Bukas na Komunikasyon

  • Kausapin ang inyong anak tungkol sa pagiging ligtas at pribado online.

  • Himukin silang sabihin ang kanilang mga alalahanin.

  • Tulungan silang makita at iulat ang cyberbullying.

  • Magtakda ng mga tuntunin tungkol sa paggastos ng pera online at pag-usapan ang mga resulta ng mga in-app purchase o mga nabibili sa loob ng isang app.

Pag-unawa sa Permanency Online

  • Ituro na kapag may isang bagay online, mahirap na itong tanggalin.

  • Himukin ang mga bata na mag-isip na mabuti bago magbahagi o mag-post ng anuman.

  • Magpakita ng mga halimbawa kung paano maaaring manatili sa paligid ang mga online post magpakailanman.

  • Turuan sila tungkol sa mga privacy setting para makontrol kung sino ang maaaring makakita ng mga post nila.

Pamahalaan ang Pagkamausisa ng mga Bata

  • Gumugol ng oras sa piling ng inyong mga anak sa screen time at turuan silang gumawa ng mga ligtas na pagpili.

  • Ipakita sa kanila ang mga app, website, at game na kapwa masaya at may aral na matututuhan.

  • Tulungan ang inyong mga anak na maging kritikal sa pag-iisip tungkol sa online content. Ipakita sa kanila kung paano harapin ang di-pamilyar na mga site o app.

mga icon

Mga Gawing Nakakabuti sa Kalusugan at Kaligtasan

  • Regular na magpahinga sandali kapag gumagamit ng mga device.

  • Hikayatin ang mga bata na tanungin at kausapin ka kung may makita silang nakakagalit.

  • Regular na magpahinga sandali para hindi sumakit ang mga mata at magtaguyod ng pisikal na aktibidad.

  • Magtakda ng mga tuntunin tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga di-kilala online.

Mga Limitasyon sa Screen Time

  • Magtakda ng malinaw na pang-araw-araw na limitasyon sa screen time sa paggamit ng mga device.

  • Gumawa ng mga lugar sa bahay ninyo na hindi maaaring gumamit ng device (hal., mga silid-tulugan, mga hapag-kainan).

  • Magtakda ng mga oras na hindi gagamit ng screen o gadget, tulad sa mga oras ng pagkain ng pamilya o bago matulog.

Content na Angkop sa Edad

  • Magkaroon ng kamalayan sa bagay na nakikita ng inyong anak online. Gumamit ng mga parental control at filter para limitahan ang di-angkop na materyal.

  • Pumili ng mga app, game, at website.

  • Gumamit ng mga device na dinisenyo para sa mga bata. Gumamit ng mga parental control.

Magpakita ng Ugaling Nakakabuti sa Kalusugan

  • Ipakita sa inyong anak kung paano balansehin ang screen time sa ibang mga aktibidad.

  • Magkaroon ng kamalayan ang sarili ninyong paggamit ng smartphone sa paligid ng mga bata.

  • Magkasamang galugarin ang mga app at website na may aral na matututuhan. Mas gustuhin ang content na may kalidad kaysa sa dami.

Magturo tungkol sa Cyberbullying at Online Etiquette

  • Pag-usapan ang pakikitungo sa iba online nang may kabaitan.

  • Turuan ang inyong anak tungkol sa cyberbullying at kung paano tumugon dito.

  • Talakayin ang magalang na komunikasyon at ang epekto ng bullying.

Maingat na Pagpili ng App

  • Tiyakin na tugma ang app sa edad ng inyong anak. Tingnan ang mga rating at review.

  • Maghanap ng mga app na may aral na matututuhan o positibong content na nagtataguyod ng pagkatuto at pagkamalikhain.

  • Pumili ng mga app na may kasamang user privacy at may malakas na mga safety feature.

  • Iwasan ang mga app na may napakaraming ad o in-app purchase para maiwasan ang aksidenteng paggugol at pagkalantad sa hindi kanais-nais na content.

    mga icon