Mga Anak
Paggamit ng mga Digital Device Bilang Pamilya


pamilya

Paggamit ng mga Digital Device Bilang Pamilya

Matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa maraming paraan ng paggamit ng mga device. Maaaring maging maingat ang mga magulang sa paggamit ng sarili nilang mga device—nakamasid sa inyo ang inyong mga anak. Maaaring kausapin ng mga magulang ang kanilang mga anak kung paano gamitin nang ligtas ang mga device. Maaari pa nga nilang tingnan ang content sa digital screen na kasama ang kanilang anak at pag-usapan nila ito.

Paghahanda sa mga Bata sa Pagkontrol sa Sarili Nilang Paggamit ng Teknolohiya

Maaaring tulungan ng mga magulang ang mga anak nilang musmos na maghandang kontrolin balang araw ang sarili nilang paggamit ng teknolohiya. Dapat nilang kausapin ang mga ito tungkol sa teknolohiya, ipakita kung paano ito gamitin, at magtakda sila ng mabubuting pamantayan. Maaaring tulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging malaya at maingat sa paggamit ng teknolohiya.

May Layunin, Magplano, Tumigil Sandali

Mas makokontrol mo ang paggamit ng mga device sa pagsunod sa pattern na ito: May Layunin, Magplano, at Tumigil Sandali.

May Layunin—Maaari kong tulungan ang aking mga anak sa paggamit ng mga device nang may layunin.

“Ako, ang Panginoon, ay may mahalagang gawaing ipagagawa sa iyo” (Doktrina at mga Tipan 112:6).

Magplano—Kapag nagpaplano tayo kung paano gumamit ng mga device, mas kontrolado ito ng ating pamilya, at nagiging mas mabuti ang ating mga pagpapasiya.

“Ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos” (Alma 34:32).

Tumigil Sandali—Turuan ang inyong mga anak na tumigil at magpahinga sandali mula sa mga device.

“Mapanatag at malaman na ako ang Diyos” (Doktrina at mga Tipan 101:16).

mga icon