Mga Anak
Buod


mga kamay na may hawak na mga technology device

Buod

Ang mga mobile device, at ang mga computer ay bahagi ng digital technology. Magagamit natin ang mga teknolohiyang ito sa maraming paraan. Makakakuha tayo ng impormasyon. Magagamit natin ang mga ito para tulungan tayo kapag hindi tayo ligtas. Magagamit natin ang mga device para maghanap ng mga lugar at mapangalagaan ang ating kalusugan. Magagamit din natin ang mga ito para matuto tungkol kay Jesus at sa ebanghelyo. May mabubuti at masasamang bagay tungkol sa paggamit ng mga teknolohiyang ito. Matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na gumamit ng mga device habang bata pa sila.

Maaaring makigamit o humiram ng mga device ang mga batang musmos mula sa iba pang mga miyembro ng pamilya. Ang mga tuntuning nakaayon sa ebanghelyo ay makakatulong sa mga pamilya na gumamit ng teknolohiya.

3:18