Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Mahal naming mga Kapatid:

Ipinahayag ng Panginoon, “Layunin ko ito na maglaan para sa aking mga banal” (D at T 104:15). Ang paghahayag na ito ay isang pangako mula sa Panginoon na magbibigay Siya ng mga temporal na biyaya at mga oportunidad para maging self-reliant, na ibig sabihin ay kaya nating tustusan ang mga pangangailangan natin at ng ating pamilya sa buhay na ito.

Ang workbook na ito ay inihanda para tulungan ang mga miyembro ng Simbahan na matutuhan at maisagawa ang mga alituntunin ng pananampalataya, edukasyon, kasipagan, at pagtitiwala sa Panginoon. Sa pagtanggap at pagsasabuhay ng mga alituntuning ito, higit ninyong makakamtan ang mga temporal na biyayang ipinangako ng Panginoon.

Inaanyayahan namin kayo na pag-aralang mabuti at isabuhay ang mga alituntuning ito at ituro ang mga ito sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kapag ginawa ninyo ito, pagpapalain ang inyong buhay. Matututo kayo kung paano kumilos sa inyong pagsulong tungo sa lalo pang pagiging self-reliant. Mabibiyayaan kayo ng mas malaking pag-asa, kapayapaan, at pag-unlad.

Magtiwalang kayo ay tunay na anak ng ating Ama sa Langit. Mahal Niya kayo at hindi Niya kayo pababayaan. Kilala Niya kayo at handa Siyang ipagkaloob sa inyo ang mga espirituwal at temporal na biyaya ng self-reliance.

Taos-pusong sumasainyo,

Ang Unang Panguluhan