Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Magreport


Magreport—Maximum na Oras: 25 Minuto

Mga Ipinangakong Gawin Noong Nakaraang Linggo

  1. Isagawa at ibahagi ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] noong nakaraang linggo.

  2. Patuloy na mag-impok ng pera para sa aking pinansyal na prayoridad.

  3. Talakayin ang pagpaplano para sa pagreretiro sa family council.

  4. Kontakin at suportahan ang action partner ko.

Step 1: Mag-evaluate Kasama ang Action Partner (5 minuto)

Mag-ukol ng ilang minuto para i-evaluate ang iyong mga pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa linggong ito. Gamitin ang chart na “Pag-evaluate ng Aking mga Pagsisikap” sa simula ng workbook na ito. Ibahagi sa partner mo ang iyong evaluation at talakayin ninyo ang tanong sa ibaba. Pagkatapos ay mag-iinisyal siya kung saan nakasaad.

Talakayin:Ano ang naging mga hamon sa pagtupad mo sa mga ipinangako mong gawin sa linggong ito?

Larawan
evaluating my efforts thumbnail

Step 2: Magreport sa Grupo (8 minuto)

Matapos i-evaluate ang inyong mga pagsisikap, muling magsama-sama at ireport ang inyong mga resulta. Ikutin ang grupo at ilahad ng bawat isa kung ang rating na ibinigay ninyo sa sarili ay “pula,” “dilaw,” o “berde” para sa bawat isa sa mga ipinangakong gawin noong nakaraang linggo.

Step 3: Ibahagi ang Iyong mga Karanasan (10 minuto)

Ngayon ay ibahagi sa grupo ang mga bagay na natutuhan mo mula sa pagsisikap na tuparin ang mga ipinangako mong gawin sa buong linggo.

    Talakayin:
  • Ano ang naging mga karanasan mo sa pagsasagawa o pagbabahagi ng alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan]?

  • Ano ang mga naging hamon sa iyo sa paglalagay ng pera para sa iyong pinansyal na prayoridad?

  • Ano ang natutuhan mo mula sa pagtalakay ng iyong mga plano sa pagreretiro?

Step 4: Pumili ng mga Action Partner (2 minuto)

Pumili ng isang action partner mula sa grupo para sa darating na linggo. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o lalaki at hindi magkapamilya.

Mag-ukol ng ilang minuto ngayon para kausapin ang action partner mo. Ipakilala ang inyong mga sarili, at talakayin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa sa buong linggo.

Pangalan ng action partner

Contact Information

Isulat kung paano at kailan ninyo makokontak ang isa’t isa sa linggong ito.

Lin

Lun

Mar

Miy

Huw

Biy

Sab