Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
My Foundation [Ang Aking Saligan]: Lutasin ang mga Problema


My Foundation [Ang Aking Saligan]: Lutasin ang mga Problema—Maximum na Oras: 20 Minuto

Pag-isipang mabuti:Bakit tinutulutan ng Ama sa Langit na maharap tayo sa mga problema at pagsubok?

Panoorin:“A Bigger Truck?” makukuha sa srs.lds.org/videos. (Walang video? Basahin ang pahina 73.)

Mas Malaking Trak?

Kung hindi ninyo mapapanood ang video, basahin ang script na ito.

Larawan
still from A Bigger Truck

Elder Dallin H. Oaks: Dalawang lalaki ang nagsosyo sa negosyo. Nagtayo sila ng isang maliit na silungan sa tabi ng mataong daan. Kumuha sila ng sasakyan at nagpunta sa bukid ng isang magsasaka, at doo’y bumili sila ng isang trak ng milon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala nila ang trak na puno ng milon sa kanilang silungan sa tabi ng daan, at doo’y ipinagbili ang kanilang mga milon ng isang dolyar bawat isa. Nagbalik sila sa bukid ng magsasaka at bumili ng isa pang trak na puno ng milon na tig-iisang dolyar ang halaga. Dinala ang mga ito sa tabi ng daan, muling ipinagbili sa halagang isang dolyar ang bawat milon. Habang papunta sila muli sa bukid ng magsasaka upang muling magkarga, sinabi ng isang kasosyo sa isa, “Kaunti lang yata ang kita natin sa negosyong ito?” “Hindi naman,” sagot ng isa pa. “Palagay mo ba’y kailangan natin ng mas malaking trak?”

(“Pokus at mga Priyoridad,” Liahona, Hulyo 2001, 99)

Bumalik sa pahina 72.

Talakayin:Ano ang tunay na problema sa kuwentong ito? Ano ang ilang opsiyon ng dalawang lalaki?

Basahin:Doktrina at mga Tipan 9:7–9 at ang pahayag ni Elder Robert D. Hales (sa kanan)

Basahin:1 Nephi 17:51 at 1 Nephi 18:2–3 (sa kanan)

Talakayin:Paano nakabuo ng sasakyang-dagat si Nephi?

Mangakong gawin:Mangakong gawin ang mga sumusunod sa linggong ito. Lagyan ng tsek ang box kapag nakumpleto mo ang bawat gawain.

  • Kumilos ayon sa mga hakbang na tinalakay mo sa aktibidad upang simulan ang paglutas sa problema mo. Tandaan, huwag sumuko! Mahabang panahon ang kailangan para malutas ang mga problema at gumawa ng mga pagbabago.

  • Ibahagi sa iyong pamilya o mga kaibigan ang natutuhan mo ngayon tungkol sa paglutas ng mga problema.