Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Resources


Resources

Patuloy na Magtiyaga

Ibinahagi ng Pangulong Dieter F. Uchtdorf ang sumusunod na payo:

“Noong mga 1960s, isang propesor sa Stanford University ang nagpasimula ng isang simpleng eksperimento para subukan ang determinasyon ng mga batang apat-na-taong gulang. Binigyan niya sila ng malaking marshmallow at pagkatapos ay sinabihan sila na makakain nila ito kaagad o, kung maghihintay sila nang 15 minuto, puwede silang kumain ng dalawang marshmallow.

“Pagkatapos ay iniwanan niya ang mga bata at pinanood ang nangyayari sa likod ng isang two-way mirror. Ilan sa mga bata ang agad kumain ng marshmallow; ang ilan ay ilang minuto lang nakapaghintay bago napatangay sa tukso. Tanging 30 porsiyento ang nakapaghintay. …

“Ang nagsimula bilang simpleng eksperimento sa mga bata at marshmallow ay naging pag-aaral na nagpapakita na ang kakayahang maghintay—magtiyaga—ay isang mahalagang katangiang maaaring makapagsabi kung magtatagumpay ang isang tao sa buhay kalaunan. …

“… Ang mga pangako ng Diyos ay hindi laging natutupad nang kasimbilis ng o sa paraang inaasahan natin. …

“Ang pagtitiyaga ay pananatili sa isang bagay hanggang wakas. Ito ay pagpapaliban sa agarang kasiyahan para sa mga pagpapala sa hinaharap. … 

“… Ganito ang pagtitiyaga: sundin ang mga utos; magtiwala sa ating Diyos Ama sa Langit; paglingkuran Siya nang may kaamuan at pagmamahal na tulad ni Cristo; sumampalataya at umasa sa Tagapagligtas; at huwag sumuko kailanman.”

(“Patuloy na Magtiyaga,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 56, 58, 59)

Bumalik sa pahina 61.

Ang Aking Badyet

Deskripsyon

Uri

Kinita

Gastusin

Balanse

Kinita

(NA)

Balanse

Mga Tala