Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance
Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto


Matuto—Maximum na Oras: 45 minuto

Talakayan Ngayon:

4 Mag-impok at Mag-invest para sa Hinaharap

Basahin:Sa nakaraang kabanata, nalaman natin na ang pag-invest ay paglalagay ng oras, pagsisikap, o pera sa isang bagay at paghihintay ng kahit anong uri ng pakinabang. Ang isa sa mga dahilan kaya tayo nag-iinvest ng pera ay para magkaroon ng sapat kapag nagretiro na tayo.

Itinuro ni Pangulong Ezra Taft Benson na, *“Habang papalapit na kayo sa pagreretiro at sa susunod pang mga dekada, inaanyayahan namin ang lahat … na planuhing magtipid para sa susunod na mga taon kapag nagretiro na kayo” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Ezra Taft Benson [2014], 242). Maaaring may mga programa ang pamahalaan o lipunan na makakatulong sa iyo sa panahon ng pagreretiro, ngunit malamang na kakailanganin mong dagdagan ang perang makukuha mo mula sa mga programang ito gamit ang sarili mong savings o investments. Kung mabibigo kang magplano ngayon, maaaring hindi ka magkaroon ng sapat na kita o savings para maging self-reliant kapag nagretiro ka.

Talakayin:Ano ang mangyayari kung wala kang sapat na pera para mabuhay nang komportable kapag retirado ka na?

1. Magtakda ng Mithiin sa Pagreretiro

Basahin:Bago ka magsimulang mag-impok para sa pagreretiro, makakatulong na tantiyahin mo kung magkano ang kakailanganin mo. Makakapagsimula ka gamit ang simpleng pormulang ito:

Larawan
retirement formula

Hindi mo mahuhulaan kung hanggang kailan ka mabubuhay, pero mahuhulaan mo kung kailan mo gustong magretiro, at maaari mong tantiyahin kung gaano katagal ka pa mabubuhay pagkatapos niyon. Sa buong mundo, karamihan sa mga tao ay nagreretiro sa pagitan ng edad 60 at 70. Maaari kang mabuhay nang 20 hanggang 30 taon pa matapos magretiro.

Paunawa: Maaaring hindi mo kailangan ang buong halagang ito kapag nagretiro ka, dahil ang iyong investments ay maaaring patuloy na lumaki hanggang sa magretiro ka, ngunit magandang magsimula sa bilang na ito.

2. Unawain ang Compound Interest

Basahin:Ang compound interest ay maaaring maging isa sa mga susi sa pagkakaroon ng sapat na pera para sa pagreretiro. Ang compound interest ay pagkita ng dagdag na interes sa interes, at ito ay karaniwang isinasagisag bilang porsiyento o rate of return. Kapag binayaran na ang iyong unang interes, idaragdag ito sa principal balance mo. Pagkatapos ay patuloy na lalago ang mas malaking balanseng iyon.

Larawan
compound interest

Basahin:Ang pag-invest sa mga paraang nagbibigay ng magandang rate of return ay madalas tumulong sa mga tao na magkaroon ng sapat na pera para sa pagreretiro. Karamihan sa mga tao ay nadadaliang palaging mag-invest ng maliliit na halaga sa paglipas ng panahon, tulad ng kaunting halaga kada buwan o kada suweldo, sa halip na paulit-ulit na malalaking halaga. Ang halimbawa sa ibaba ay nagpapakita ng kabuuang halaga ng pag-invest ng 100 kada buwan sa loob ng 30 taon, na may iba’t ibang mga rate of return. Ito ang kagandahan ng compound interest.

Larawan
compound interest chart

Talakayin:Paano maaapektuhan ng panahon at rate of return ang kabuuang halaga ng isang investment?

3. Unawain ang Kaugnayan ng Risk [Panganib na Malugi] sa Return [Balik ng Pera]

Basahin:Tulad ng nakita natin, ang rate of return ay maaaring napakaganda. Maaaring magmukhang simple na ang kailangan lang nating gawin, kung gayon, ay i-invest ang ating pera sa isang bagay na may pinakamataas na rate of return. Ngunit hindi iyon gayon kasimple. Tulad ng makikita sa sumusunod na graphic, lahat ng investment ay may kasamang risk-and-return relationship. Karaniwan, kapag mas mababa ang rate of return, mas maliit ang risk na malugi sa investment na iyon. Sa kabilang dako, kapag mas mataas ang potential return, mas mataas ang potential risk na mawalan ka ng pera.

Larawan
risk versus return

4. Mag-isip ng Potential Investments

Basahin:Kapag nag-iisip ng potential investments, makakatulong na malaman ang ilang mahahalagang bagay. Halos lahat ng investment ay nahahati sa dalawang kategorya: yaong mga may fixed rate of return at yaong mga may variable rate of return.

Ang ibig sabihin ng fixed rate ay hindi tataas o bababa ang iyong rate kundi mananatiling permanente o fixed. Kabilang sa mga halimbawa ng savings o investments na may fixed rates ang savings accounts, certificates of deposit (CDs), at bonds. Ang fixed-rate investments ay kadalasang mas mababa ang rate of return at maituturing na di-gaanong risky kaysa variable-rate investments.

Ang ibig sabihin ng variable rate ay maaaring tumaas o bumaba ang iyong return, ibig sabihi’y maaari kang kumita o mawalan ng pera. Kabilang sa mga halimbawa ng variable-rate investments ang stocks, maraming mutual funds, mga negosyo, at real estate. Karaniwan, ang variable-rate investments ay itinuturing na mas risky kaysa fixed-rate investments, ngunit maaari ding may potensyal itong magkaroon ng mas matataas na return.

Ang ibig sabihin ng diversification ay ikalat ang pera mo sa maraming investments. Ang pag-invest sa maraming investments o maraming klase ng investments ay makakatulong para mabawasan ang iyong risk.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa iba’t ibang uri ng investments, basahing mag-isa ang “Resources” section sa dulo ng kabanatang ito sa linggong ito.

Talakayin:Bilang grupo, repasuhin ang sumusunod na mga konsepto hanggang sa maging komportable ang lahat na nauunawaan nila ang mga ito.

  • Compound interest

  • Risk versus return

  • Fixed rate of return

  • Variable rate of return

  • Diversification

5. Saliksikin ang Potential Retirement Accounts

Basahin:Karaniwan ay kakailanganin mong magbayad ng ilang uri ng buwis sa investments mo. Sa katunayan, maaaring mga buwis ang isa sa pinakamalalaking gastusing isasaalang-alang kapag nag-invest. Mabuti na lang, maraming pamahalaang pumapayag na magkaroon ng special tax benefits ang retirement accounts na gugustuhin mong maunawaan. Ang investment accounts na ito ay maaaring sponsored ng employer o ng indibiduwal, at sa loob ng accounts na ito ay maaari kang mag-invest sa stocks, bonds, mutual funds, at marami pang iba. Iba’t iba ang tawag sa accounts depende sa kung saan ka nakatira, ngunit ang basic tax advantages ay magkakatulad at karaniwang may dalawang kategorya: tax deferred at tax free.

Tax deferred: Ang mga kontribusyon sa tax-deferred accounts ay karaniwang tax-deductible sa taon ng kontribusyon, samantalang ang mga withdrawal kapag retirado na ay binubuwisan ayon sa tax rate ng iyong kinikita sa panahong iyon. Kung malamang na hindi gaanong lumago ang investment mo, dahil sa mas mababang rate of return o kaya’y dahil maikli lang ang panahon nito para lumago, maaaring mas malaki ang matitipid mo sa mga buwis kung ipagpapaliban mo ang pagbabayad ng income tax sa perang iyon hanggang sa magretiro ka, kung kailan maaaring buwisan nang mas mababa ang pera.

Tax free: Ang mga kontribusyon sa tax-free accounts ay walang paunang tax advantages. Para sa accounts na ito, ang perang iniaambag mo ay binubuwisan sa taon na kinita ito. Gayunman, lahat ng kikitain sa hinaharap at mga withdrawal ay tax free. Kung ang investment mo ay malamang na lumago nang husto, dahil sa mas mataas na rate of return o kaya’y dahil mas mahaba ang panahon nito para lumago, malamang ay mas kaunti ang babayaran mong buwis gamit ang isang tax-free account.

Gaya ng nakikita mo, batay sa uri ng account na pipiliin mo, babayaran mo kaagad ang buwis o kaya’y kapag nag-withdraw ka. Depende sa sitwasyon mo, ang isang uri ay maaaring mas kapaki-pakinabang sa iyo kaysa sa isa.

6. Magsimulang Mag-impok para sa Pagreretiro sa Lalong Madaling Panahon

Basahin:Kapag nakabuo ka na ng emergency fund at nabayaran mo na ang iyong consumer debt, dapat kang magsimulang mag-impok para sa pagreretiro sa lalong madaling panahon. Kapag mas maaga kang nagsimulang mag-impok para sa pagreretiro, mas mahaba ang panahon para lumago ang pera mo at malamang na mas malaki ang perang makuha mo para sa pagreretiro.

Ang isang magandang paraan para masimulan ang pag-iimpok para sa pagreretiro ay sa pamamagitan ng employer-sponsored retirement plan. Kung nag-aalok ang employer mo ng anumang uri ng retirement account kung saan tugma ang ilan sa kontribusyong ibinibigay mo, samantalahin ito! Ang pagkakatugmang ito ay parang bonus o dagdag na sahod sa iyo, dahil lamang sa pag-aambag mo sa sarili mong savings.

Ang kasunod na aktibidad ay naglalarawan ng kagandahan ng regular na pag-invest nang mas mahabang panahon.

Talakayin sa Inyong Family Council ang Paghahanda para sa Pagreretiro

Basahin:Sa inyong family council sa linggong ito, talakayin ang mga plano mo para sa pagreretiro. Tantiyahin kung magkano ang kakailanganin mo, kailan mo gustong magretiro, at ano ang maaaring maging sitwasyon ng iyong pananalapi sa panahong iyon. Isulat ang halagang gusto mong maimpok, at alamin ang halagang makakaya mong itabi kada buwan para sa pagreretiro. Tandaan, bagama’t mahalagang magsimulang mag-impok para sa pagreretiro sa lalong madaling panahon, mas kailangang magkaroon ka ng emergency fund at maalis mo muna ang consumer debt. Habang nagtatalakay ka, maaari mong gamitin ang sumusunod na “Sample Family Council Discussion” outline.

Sample Family Council Discussion

Tiyaking magsimula at magtapos sa isang panalangin para maanyayahan ang Espiritu.

Part 1: Magrepaso

  • Kumusta na ang kasalukuyan mong pinansyal na prayoridad?

  • Paano ka naghahanda sa ngayon para sa pagreretiro?

Part 2: Magplano

  • Kailan mo gustong magretiro?

  • Magkano ang kailangan mo taun-taon para matugunan ang iyong mga pangangailangan?

  • Magkano ang kailangan mong maimpok?

  • Ano ang malamang na maging sitwasyon ng iyong pananalapi kapag nagretiro ka? Bibili ka ba ng sarili mong bahay? May mortgage ka pa rin ba? Maghahanda ka bang maglingkod sa senior mission? Kakailanganin mo bang suportahan ang sinumang miyembro ng pamilya? Malamang bang lumaki o lumiit ang mga gastusin mo sa buhay kaysa ngayon?