Seminary
Genesis 6–11; Moises 8: Buod


“Moises 6–11; Moises 8: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Moises 6–11; Moises 8: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 6–11; Moises 8

Genesis 6–11; Moises 8

Buod

Tinawag ng Panginoon si Noe na maging propeta sa panahong inilalarawan ang mga tao na “nagpatuloy lamang sa kasamaan” (Moises 8:22). Ang pamilya ni Noe ay iniligtas mula sa isang walang katulad at napakalaking baha dahil sinunod nila ang utos ng Diyos na gumawa ng arka.

icon ng seminary

Sikaping kilalanin ang mga estudyante—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan. Mas handang matuto ang mga estudyante mula sa isang taong alam nila na nagmamalasakit sa kanila. Bukod pa rito, kapag nagsikap tayong makilala ang mga estudyante nang may pagmamahal, mabibigyang-inspirasyon tayo kung paano sila pinakamainam na matutulungang makahanap ng personal na kahulugan at kapangyarihan sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo. Matatagpuan sa Lesson 19 ang isang halimbawa ng kung paano makaiimpluwensya sa ating pagtuturo ang pagsisikap na maunawaan ang mga estudyante: “Moises 8.” Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Kilala Tayo ng Tagapagligtas at Nauunawaan Niya ang Ating mga Kalagayan, Pangangailangan, at Kalakasan” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 13).

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Moises 8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas masunod ang Tagapagligtas kahit namumuhay sa isang masamang mundo.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga hamon o paghihirap na nararanasan nila sa pagsunod kay Jesucristo sa mundo ngayon. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi kung ano ang nakatulong sa kanila na madaig ang mundo at sundin si Jesucristo.

  • Mga materyal na ipapakita: Timba ng tubig, maliit na tuyong bagay, at supot o waterproof na lalagyan kung saan maaaring magkasya ang maliit na tuyong bagay

  • Nilalamang ipapakita: Mga pahayag tungkol sa pagsusuri sa sarili; mga tagubilin at chart na nagkukumpara sa panahon ni Noe at sa ating kasalukuyang panahon

  • Handout:Pagdaig sa Sanlibutan sa pamamagitan ni Jesucristo

  • Video:Sharing Your Light” (2:56)

Genesis 6–8

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na mas mapatindi ang kanilang hangaring sundin ang mga kautusan ng Diyos.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magnilay at pumasok sa klase na handang magbahagi kung paano ipinapakita ng isang partikular na kautusan ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa atin at ang Kanyang hangaring protektahan tayo.

  • Mga larawan na ipapakita: Isang tagpo sa kamping; isang grupo ng maliliit na bata; si Noe na nangangaral habang ginagawa ang arka

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa bawat grupo

  • Nilalamang ipapakita: Pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball; pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson; mga pahiwatig para sa personal na pagninilay

I-assess ang Iyong Pagkatuto 1

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Moises 1 hanggang Genesis 11.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi ang natutuhan nila o ang mga paraan kung paano sila umunlad sa espirituwal mula noong pagsisimula ng pag-aaral ng Lumang Tipan at Mahalagang Perlas sa taon na ito. Maaari mong imungkahi na balikan nila ang kanilang study journal o mga tala sa kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan sila na makita ang kanilang pag-unlad at pagkatuto.

  • Mga larawan na ipapakita: Larawan ng mga tao ni Enoc; larawan ni Jesucristo

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Maliit na piraso ng papel para sa bawat estudyante; mga polyeto na ginawa ng mga estudyante sa Lesson 11: “Moises 4:5–32: 5:1–15, Bahagi 1” at Lesson 12: “Moises 4:5–32: 5:1–15, Bahagi 2” (kung mayroon ng mga ito)

  • Mga materyal na ipapakita: Isang prutas