Seminary
Moises 8: Pagsunod sa Tagapagligtas Kahit nasa Isang Masamang Mundo


“Moises 8: Pagsunod sa Tagapagligtas Kahit nasa Isang Masamang Mundo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Moises 8: Pagsunod sa Tagapagligtas Kahit nasa Isang Masamang Mundo,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 6–11; Moises 8: Lesson 19

Moises 8

Pagsunod sa Tagapagligtas Kahit nasa Isang Masamang Mundo

Jesus Christ walking along a path  by a river. There are a number of sheep following him.

Tinawag ng Panginoon si Noe na maging propeta sa panahong inilalarawan ang mga tao na “nagpatuloy lamang sa kasamaan” (Moises 8:22). Maging sa gitna ng labis na kasamaan, pinili ni Noe at ng kanyang mga anak na lalaki na sundin si Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas masunod ang Tagapagligtas kahit namumuhay sa isang masamang mundo.

Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang mga hamon o paghihirap na nararanasan nila sa pagsunod kay Jesucristo sa mundo ngayon. Sabihin sa kanila na pumasok sa klase na handang magbahagi kung ano ang nakatulong sa kanila na madaig ang mundo at sundin si Jesucristo.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Pamumuhay sa mundo ngunit hindi makamundo

Simulan ang klase sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga estudyante ng isang timba ng tubig at isang maliit na tuyong bagay.

  • Posible bang manatiling tuyo ang isang bagay kung ilalagay ito sa isang timba ng tubig? Paano?

    Matapos magkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante na sabihin ang mga naisip nila, ilagay ang bagay sa isang supot o isang lalagyang may takip, at ilagay ito sa timba ng tubig.

  • Paano nauugnay ang object lesson na ito sa ating mga pagsisikap na manatiling matwid kahit nasa isang masamang mundo tayo?

Upang matulungan ang mga estudyante na masuri ang kanilang kasalukuyang kakayahang mamuhay nang matwid sa isang masamang mundo, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na pahayag. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung gaano katotoo ang bawat pahayag para sa kanila.

Mahirap para sa akin na labanan ang mga panunukso ng mundo at sumunod kay Jesucristo.

Alam ko kung saan ako makahihingi ng tulong para manatiling tapat kahit nasa isang masamang mundo ako.

Gumugugol ako ng oras araw-araw sa paghahangad na mas makilala pa si Jesucristo at sumunod sa Kanya.

Ipaalala sa mga estudyante na ipapakita sa atin ng Espiritu Santo kung ano ang dapat nating gawin (tingnan sa 2 Nephi 32:5). Anyayahan ang mga estudyante na maghangad ng inspirasyon para malaman kung ano ang magagawa nila upang manatiling matwid sa isang mundong lalong nagiging masama.

Isang masamang mundo

Nang dalhin ng Panginoon si Enoc at ang kanyang lungsod sa langit (tingnan sa Moises 7:69), nanatili sa lupa ang matwid na anak na lalaki ni Enoc na si Matusalem (tingnan sa Moises 8:2). Ang apo ni Matusalem na si Noe, at ang tatlong anak na lalaki ni Noe ay “lumakad na kasama ng Diyos” (Moises 8:27), samantalang pinili ng karamihan sa mga tao na nanatili sa mundo ang kasamaan.

Ipakita sa pisara ang sumusunod na mga tagubilin at chart. Anyayahan ang mga estudyante na kopyahin ang chart sa kanilang study journal. Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang chart sa maliliit na grupo.

Basahin ang Moises 8:12–22, 28–29, at alamin ang espirituwal na kalagayan ng mga tao noong panahon ni Noe.

Pagkatapos ay tukuyin ang mga pagkakatulad ng espirituwal na kalagayan sa panahon ni Noe at ng kalagayang nakikita natin sa ating kasalukuyang panahon.

Espirituwal na Kalagayan ng Marami sa Panahon ni Noe

Mga Pagkakatulad ng Panahon ni Noe at ng Ating Kasalukuyang Panahon

Anyayahan ang mga grupo na ibahagi sa iba pang grupo ang nalaman nila. Hikayatin ang mga estudyante na idagdag ang ibinabahagi ng kanilang mga kaklase sa sarili nilang chart.

Kung kailangan ng tulong ng mga estudyante, maaari mong banggitin ang mga pagkakatulad na gaya ng sumusunod:

1. Tulad ng mga apong babae ni Noe, binabalewala ng ilang tao ngayon ang mga pagpapala na ibinibigay sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng walang hanggang tipan ng kasal (tingnan sa talata 12–15).

2. Kinakalaban din ng ibang tao ngayon ang propeta at hindi nila tinatanggap ang kanyang payo (tingnan sa talata 18–20).

Basahing muli ang Moises 8:16–17 upang makita kung ano ang sinabi ng Panginoon kay Noe na maaaring mangyari kung hindi magsisisi ang mga tao.

  • Gaano kahabang panahon ang ibinigay ng Panginoon sa mga tao upang magsisi?

  • Ano ang maituturo niyon sa atin tungkol sa katangian ng Diyos?

Pagsunod sa Tagapagligtas kahit nasa isang masamang mundo

Upang matulungan ang mga estudyante na makadama ng pag-asa na masusunod nila ang Tagapagligtas kahit sila ay nasa isang masamang mundo, maaari mong anyayahan ang isang estudyante na basahin ang sumusunod na pahayag.

Ibinahagi ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano posibleng madaig ang masamang mundong ito:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Dahil nadaig ni Jesucristo ang makasalanang mundong ito, at dahil nagbayad-sala Siya para sa bawat isa sa atin, madaraig din ninyo ang mundong ito na puno ng kasalanan, makasarili, at kadalasa’y nakakapagod. (“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 96)

  • Ano ang gagamitin ninyo mula sa pahayag ni Pangulong Nelson upang matulungan ang isang tao na nahihirapan dahil sa kasamaan sa paligid niya?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag ng katotohanan. Sabihin sa mga estudyante na simulang isipin ang iba’t ibang paraan kung paano nila ito kukumpletuhin.

Maaari kong piliing sundin ang Tagapagligtas kahit nasa isang masamang mundo ako sa pamamagitan ng …

icon ng seminary Upang matulungan ang mga estudyante na matuklasan ang mga paraan na masusunod nila ang Tagapagligtas kahit nasa isang masamang mundo, bigyan sila ng mga tagubilin sa ibaba at mga kopya ng kasamang handout. Maaaring maggrupo-grupo ang mga estudyante. Maaari nilang sama-samang pag-aralan ang resources, o maaaring pumili ang mga miyembro ng grupo ng iba’t ibang scripture passage at mga pahayag na pag-aaralan nang magkakahiwalay at pagkatapos ay magsasama-sama sila upang talakayin ang mga iyon.

Gamit ang mga pinili mula sa sumusunod na resources, gumawa ng listahan sa iyong study journal ng mga bagay na magagawa natin para masunod si Jesucristo sa kabila ng kasamaan at mga tukso sa paligid natin.

Matapos magkaroon ang mga grupo ng sapat na oras para mag-aral at gumawa ng mga listahan, maaari mong ipasulat sa pisara sa bawat grupo ang isang bagay na nahanap nila na kukumpleto sa pahayag ng katotohanan. Halimbawa, mula sa Moises 8:13, 23–24, maaaring nahanap ng mga estudyante ang pakikinig sa Panginoon at sa Kanyang mga propeta, paniniwala kay Jesucristo, pagsisisi, at pakikipagtipan sa Diyos.

Maaaring ibahagi ng ilang estudyante kung bakit mahalaga sa kanila ang mga bagay na isinulat nila.

Maaari mong ipanood ang video na “Sharing Your Light” (2:56), na makikita sa ChurchofJesusChrist.org. Sa video na ito, sinunod ng isang dalagita ang Tagapagligtas sa kabila ng mga pinipili ng ibang tao sa kanyang paligid.

2:56

icon ng seminary

Ang pagtigil sandali at pagninilay tungkol sa magkakaibang pinagmulan o background ng mga estudyante ay makapag-aanyaya ng paghiwatig, pagmamahal, at pagdamay na tulad ng kay Cristo sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa kanila. Halimbawa, batay sa kanilang mga karanasan sa buhay, maaaring iba ang isagot ng ilang estudyante sa mga sumusunod na tanong kumpara sa isasagot mo. Sikaping unawain ang kanilang pananaw, tumugon nang may pagmamahal at pagdamay, at purihin ang kanilang mga pagsisikap na sundin ang Tagapagligtas. (Para sa karagdagang training tungkol sa pagdaragdag ng iyong pag-unawa sa mga kani-kanyang kalagayan ng mga estudyante, tingnan ang “Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)

Isipin ang nagawa ninyo na makatutulong upang madaig ninyo ang kasamaan sa inyong paligid. Ang mga gawaing ito ay maaaring ang maliliit at simpleng bagay na karaniwan ninyong ginagawa, mga mithiing sinikap ninyong makamit sa programang Mga Bata at Kabataan, o iba pang mga karanasan.

  • Ano ang nagawa ninyo na nakatulong sa inyo na mas masunod ang Tagapagligtas at madaig ang kasamaan sa paligid ninyo?

  • Mayroon bang anumang balakid na naranasan ninyo sa inyong mga pagsisikap? Kung mayroon, ano ang ginawa o magagawa ninyo upang madaig ang mga balakid na iyon? Ano ang maipapayo ninyo sa iba?

Ang aking plano na sundin si Jesucristo

Tulungan ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano nila masusunod si Jesucristo. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na sagutin ang mga sumusunod na tanong. Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa lugar na makikita nila ang mga ito nang madalas o ibahagi ang kanilang plano sa mga mapagkakatiwalaang kaibigan, kapamilya, o lider ng Simbahan. Ang mga mungkahing ito ay makapagpapaalala sa mga estudyante ng natutuhan at nais nilang gawin.

  1. Ano ang nahikayat kang gawin ngayon?

  2. Paano madaragdagan ng pagsunod sa mga impresyong ito ang kakayahan mong sundin ang Tagapagligtas at madaig ang mundo?

Maaari mong tapusin ang lesson gamit ang mga patotoo ng mga estudyante tungkol sa natutuhan at nadama nila ngayon at kung paano makatutulong sa kanila ang pagsunod sa Tagapagligtas upang madaig ang mundo. Maaari ka ring magbahagi ng iyong patotoo.