“Pambungad sa Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pambungad sa Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Pambungad sa Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Ang layunin ng Seminaries and Institute of Religion ay “tulungan ang mga kabataan at young adult na mapalalim ang kanilang pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walang hanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (“Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion” [2022], Gospel Library).
Upang makatulong sa pagsasakatuparan ng layuning ito, ang manwal na ito ay nagbibigay sa mga estudyante ng iba’t ibang karanasan sa pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang magkaibang uri ng lesson: mga lesson sa Lumang Tipan at mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga lesson sa Lumang Tipan ay tumutugma sa mga scripture block na binibigyang-diin bawat linggo sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan. Ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay tumutulong sa mga estudyante na matutong humugot ng lakas mula kay Jesucristo at ipamuhay ang Kanyang mga turo upang maghanda sa mga hamon sa buhay.
Sa paggamit ng mga mungkahi sa pagtuturo na matatagpuan sa mga lesson na ito at pagsunod sa patnubay ng Espiritu, matutulungan mo ang mga estudyante na makahugot sa kapangyarihan ni Jesucristo sa maraming aspekto ng kanilang buhay. Matutulungan mo rin sila na maghanda para sa kanilang kinabukasan nang may pananampalataya kay Jesucristo.
Ang manwal ng titser na ito ay nasa Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.orgna may PDF na maaaring i-download. Maaaring humiling ng naka-print na bersyon ng manwal mula sa iyong lokal na coordinator o program administrator.
Mga Kasangkapan na Tutulong sa Iyong Maghandang Magturo
Para sa mga lesson sa Lumang Tipan at Paghahanda sa Buhay, ang mga sumusunod na kasangkapan ay tutulungan kang maghandang magturo.
Ang mga Banal na Kasulatan
Ang pag-aaral na sinusundan ang scripture block ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ay isang mahalagang paraan upang maghandang magturo sa mga estudyante. Ang mga lesson na nakapaloob sa manwal na ito ay nangangailangan ng isang titser na regular na nag-aaral ng mga banal na kasulatan at naghahangad ng patnubay ng Espiritu Santo. Kapag ginagawa mo ito, maaari kang magtiwala na sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, bibigyan ka ng inspirasyon ng Ama sa Langit kung paano gagamitin ang mga materyal na ito para matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
Mga Buod
Ang buod ay ibinibigay sa simula ng bawat linggo ng mga lesson sa Lumang Tipan at sa simula ng bawat kategorya ng mga lesson sa Paghahanda sa Buhay. Ang mga buod na ito ay nagbibigay ng partikular na impormasyon sa lesson upang matulungan kang maghanda ng mga materyal sa pagtuturo nang maaga, kabilang ang sumusunod:
-
Mga layunin ng lesson (kasama rin ang mga ito bilang huling pangungusap ng pambungad ng bawat lesson)
-
Mga ideya sa paghahanda ng estudyante
-
Isang listahan ng mga object lesson, handout, larawan, video, o iba pang materyal na maaaring kailanganing ihanda nang maaga
Hanapin ang lingguhang buod para sa mga susunod na linggo ng mga lesson na ituturo mo.
-
Anong impormasyon ang nakikita mo rito na makatutulong sa iyo kung malalaman mo ito nang maaga?
-
Paano mo magagamit ang impormasyong ito habang naghahanda kang magturo?
Mga Tip sa Pagtuturo
Ang bawat buod na nasa unahan ng mga lesson sa Lumang Tipan ay naglalaman ng tip sa pagtuturo na nagpapaliwanag ng mga inirerekomendang gawain o alituntunin mula sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan. Ang mga tip na ito ay may marka ng ganitong icon: . Kapag nadama mong handa ka na, subukang ipatupad ang mga gawi at alituntuning ito habang nagtuturo. Mapapansin mo na ang paggamit sa mga mungkahing ito ay makatutulong sa pagpapahusay ng iyong mga kakayahan sa pagtuturo.
Ang karamihan sa mga tip sa pagtuturo ay tumutukoy sa isang lesson na ipinapakita ang iminumungkahing kasanayan o alituntunin. Ang icon ng pagsasanay na sa lesson ay nagtatampok ng halimbawa kung paano gamitin ang tip. Itinatampok ng mga tip sa pagsasanay na ito ang Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro na makatutulong sa iyo na mas matutuhan ang iminumungkahing pagsasanay o alituntuning binibigyang-diin. Ang pagpapatupad sa mga kasanayan at alituntuning ito ay makatutulong sa iyong pahusayin ang iyong mga kakayahan sa pagtuturo.
Rebyuhin ang tip sa pagtuturo na nasa buod para sa mga lesson na ituturo mo sa susunod na linggo.
-
Paano mo maisasagawa ang mungkahi sa pagtuturo na ito?
Mga Mungkahi sa Takbo ng Pagtuturo
Ang karamihan sa mga buod para sa mga kategorya ng lesson sa Paghahanda sa Buhay ay may kasamang mga mungkahi sa takbo ng pagtuturo. Nagbibigay ang mga mungkahing ito ng mga ideya kung saan maaaring isama ang mga lesson na ito sa gabay sa takbo ng pagtuturo. Maaaring gamitin ng mga coordinator at program administrator ang mga mungkahing ito habang gumagawa sila ng kanilang gabay sa takbo ng pagtuturo.
Para sa halimbawa, tingnan ang mungkahi sa takbo ng pagtuturo sa Buod para sa Pagkakaroon ng Pag-asa sa Sariling Kakayahan o Self-Reliance.
Paghahanda ng Estudyante
Ang bawat buod ay may mga mungkahi sa pag-anyaya sa mga estudyante na ihanda ang kanilang isipan at puso para sa bawat lesson. Maaari mong rebyuhin ang mga ideyang ito sa simula ng linggo at mapanalanging piliin ang sa palagay mo ay pinakamahusay na makatutulong sa iyong mga estudyante. Hindi mo kailangang gamitin ang bawat mungkahi sa paghahanda ng estudyante. Maaari mong iangkop ang mga ito o gumawa ka ng sarili mong mga ideya. Ang mga iminumungkahing paanyayang ito ay idinisenyo upang ibigay sa mga estudyante nang kahit isang araw bago ang karanasan sa pagkatuto.
Rebyuhin ang mga ideya sa paghahanda ng estudyante na nasa buod para sa mga lesson na ituturo mo sa susunod na linggo. Pag-isipan kung aling mga ideya ang gagamitin mo, iaangkop, o hindi gagamitin. Kung magpapasiya kang anyayahan ang iyong mga estudyante na maghanda, paano mo ibabahagi sa kanila ang ideya sa paghahanda na ito? Halimbawa, maaari mo itong ibahagi sa kanila o ipakita sa katapusan ng naunang klase. Kung naaangkop, maaari mo itong ipadala sa pamamagitan ng Wise o sa isang messaging app.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang bawat lesson ay naglalaman ng mga ideya ng mga posibleng paraan kung paano mo maaaring iparanas ang pagkatuto. Upang magkaroon ang iyong mga estudyante ng posibleng pinakamagandang karanasan, gamitin ang nilalaman sa bahaging ito bilang gabay sa halip na script. Kung nagsisimula ka pa lang bilang titser ng seminary, maaaring makabuting magsimula sa pamamagitan ng pagsunod nang mabuti sa mga iminumungkahing aktibidad sa pag-aaral. Kapag nadagdagan na ang iyong karanasan, mas huhusay ang iyong kakayahang iangkop ang nilalaman ng manwal na ito para lubusang matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
Maraming iminumungkahing aktibidad sa pag-aaral ang mag-aanyaya sa mga estudyante na gumamit ng study journal. Ang PDF ng study journal ay makukuha sa ChurchofJesusChrist.org/si/seminary/manuals. Kung mayroon, maaari ding gamitin ng mga estudyante ang notebook feature sa Gospel Library app para tumugon sa mga pahiwatig sa journal sa mga lesson.
Mga Tagubilin sa Pagtuturo
Sa bawat lesson, mapapansin mo ang mga kahon na naglalaman ng mga tagubilin sa pagtuturo para sa mga titser. Ang mga tagubiling ito ay idinisenyo upang tulungan kang maghanda para sa at gamitin ang mga aktibidad sa pag-aaral na iminumungkahi sa lesson. Maaaring ipaliwanag ng mga ito ang layunin ng mga aktibidad sa lesson o maaari itong magbigay ng mga mungkahi kung paano iangkop ang nilalaman ng lesson upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Maaaring kabilang sa mga mungkahing ito ang mga alternatibong pamamaraan, tanong, o aktibidad na tutulong sa iyo na iakma ang nilalaman at mga aktibidad kung kinakailangan.
Rebyuhin ang ilan sa mga tagubilin sa pagtuturo sa lesson na ituturo mo sa lalong madaling panahon.
-
Ano ang napapansin mo tungkol sa kung paano makatutulong sa iyo ang mga tagubilin sa pagtuturo na ito na maghandang magturo?
Karagdagang Resources
Karamihan ng mga lesson ay naglalaman ng bahaging “Karagdagang Resources” sa katapusan ng lesson. Ang bahaging ito ay naglalaman ng impormasyon na makatutulong na mapalalim ang pagkatuto. Makikita mo ang mga posibleng tanong ng mga estudyante at pahayag ng mga lider ng Simbahan na makatutulong sa pagsagot sa mga tanong na ito. Ang mga pahayag na ito na mula sa mga lider ng Simbahan ay maaaring isama sa lesson. Ang bahaging ito ay makukuha lamang sa Gospel Library app o sa Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.org. Ang bahaging “Karagdagang Resources” ay hindi kasama sa PDF na bersyon ng manwal ng titser.
Tingnan kung kalakip sa susunod na lesson na ituturo mo ang “Karagdagang Resources.”
-
Mayroon bang anumang resource sa seksyong ito na maaaring maging kapaki-pakinabang na ibahagi sa iyong mga estudyante?
Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral
Ang bahaging ito, na kasama rin sa katapusan ng lesson, ay may mga karagdagang ideya para sa pagtalakay sa karanasan sa pagkatuto. Kabilang sa mga aktibidad sa pag-aaral na ito ang mga paraan para maiangkop ang mga kasalukuyang aktibidad sa lesson, o mga paraan ng pagtuturo ng materyal na hindi kasama sa lesson. Ang mga karagdagang aktibidad sa pag-aaral ay kasama lang sa manwal ng guro kung ia-access mo ito sa pamamagitan ng Gospel Library app o Gospel Library online sa ChurchofJesusChrist.org. Ang bahaging ito ay hindi kasama sa PDF na bersyon ng manwal ng titser.
Kung kasama sa iyong susunod na lesson ang bahaging “Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral,” rebyuhin ang mga aktibidad na ito.
-
Mayroon bang anumang aktibidad na sa palagay mo ay kapaki-pakinabang na gamitin ng iyong mga estudyante bukod pa sa o bilang kapalit ng mga aktibidad sa pag-aaral na kasama sa pangunahing bahagi ng lesson?
Mga Lesson sa Lumang Tipan at sa Paghahanda sa Buhay
Dapat ituro pareho sa mga estudyante ang mga lesson sa Lumang Tipan at Paghahanda sa Buhay sa buong taon. Ang sumusunod na impormasyon ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang layunin ng iba’t ibang lesson sa manwal ng titser.
Mga Lesson sa Lumang Tipan
Ang mga lesson sa Lumang Tipan ay tumutugma sa mga scripture block na binibigyang-diin sa bawat linggo sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Ang mga lesson na ito ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga estudyante na magkaroon ng malalim na karanasan sa pag-aaral ng salita ng Diyos sa Lumang Tipan. Ang mga lesson sa Pagsasanay sa Doctrinal Mastery at sa I-assess ang Iyong Pagkatuto ay kasama sa bahagi ng lesson sa manwal ng Lumang Tipan.
Mga Lesson na Pagsasanay sa Doctrinal Mastery
Ang mga lesson na Pagsasanay sa Doctrinal Mastery ay naglalayong tulungan ang mga estudyante na magsikap na maisagawa ang mga resulta ng doctrinal mastery. Kasama sa mga resultang ito ang pagtulong sa mga estudyante na magawa ang sumusunod:
Matutuhan at maipamuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Maging mahusay sa mga doctrinal mastery scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga ito.
Ang pagiging mahusay sa mga piniling scripture passage at sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo na itinuturo ng mga passage na ito ay nangangahulugang magagawa ng mga estudyante ang sumusunod:
Matutuhan at maunawaan ang doktrinang itinuturo sa mga doctrinal mastery scripture passage.
Maipaliwanag nang malinaw ang doktrina gamit ang mga nauugnay na doctrinal mastery scripture passage.
Maipamuhay ang doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang mga pagpili sa araw-araw at magamit ang mga ito sa mga pagtugon nila sa mga isyu at tanong tungkol sa doktrina, personal na buhay, lipunan, at kasaysayan.
Matandaan at mahanap ang mga doctrinal mastery scripture passage at maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Ang Doctrinal Mastery App ay makatutulong sa mga estudyante na maisagawa ang ilan sa mga resulta ng doctrinal mastery. Idinisenyo ito upang matulungan ang mga estudyante na maisaulo ang references at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa bawat doctrinal mastery passage. Maaari mong gamitin ang app sa klase at hikayatin ang mga estudyante na i-download ito sa sarili nilang device, kung maaari. Ito ay magagamit para sa mga iOS at Android device.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga layunin ng doctrinal mastery, panoorin ang “What Is Doctrinal Mastery?” (3:56) na makikita sa ChurchofJesusChrist.org.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano matutulungan ang mga estudyante na maisagawa ang mga resulta ng doctrinal mastery, tingnan sa “Training para sa Doctrinal Mastery” sa Training para sa Kurikulum ng Seminary.
Mga Lesson para I-assess ang Iyong Pagkatuto
Ang assessment ay mahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang mga pagkakataon para huminto at pagnilayan ang natututuhan ay maaaring maging positibong karanasan para sa mga estudyante. Ang mga pana-panahong assessment ay maaaring makahikayat sa mga estudyante sa kanilang patuloy na paglago at pag-unlad na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng pag-assess sa kanilang pagkatuto, ang mga estudyante ay maaaring maging mga aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto at mas nagiging responsable sa kanilang pagkatuto.
Ang mga lesson para I-assess ang Iyong Pagkatuto ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong ipaliwanag ang mahalagang doktrina na mula sa Lumang Tipan; pagnilayan ang kanilang mga damdamin, pag-uugali, at hangarin na may kaugnayan sa plano ng Ama sa Langit at sa ebanghelyo ni Jesucristo; at rebyuhin ang mga plano o mithiin na sinisikap nilang matupad upang maipamuhay ang kanilang natututuhan at mapalalim ang kanilang pagkadisipulo kay Jesucristo. Ang mga lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na makilala ang kanilang paglago at matukoy ang mga aspekto para sa karagdagang progreso sa hinaharap. Makakukuha ng credit sa kurso ang mga estudyante sa pamamagitan ng paglahok sa kahit isang lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto sa bawat kalahati ng kurso.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano ipatutupad ang mga lesson na I-assess ang Iyong Pagkatuto, tingnan ang “Training para sa mga Assessment” sa Training para sa Kurikulum ng Seminary.
Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay
Ang mga lesson sa Paghahanda sa Buhay ay nagbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas sa sumusunod:
-
Malaman ang gagawin sa mahihirap na tanong at mga kalagayan sa buhay na puno ng hamon
-
Makagawa ng mga inspiradong pagpili gamit ang mga turo ni Jesucristo at ng Kanyang mga propeta.
-
Maging self-reliant para matustusan ang kanilang sarili at pamilya.
-
Maging mas malusog sa pisikal at emosyonal na aspekto.
-
Gumawa ng mga plano upang maghanda para sa edukasyon at trabaho sa hinaharap.
-
Magpaunlad ng mga kasanayan upang magtagumpay sa paaralan.
-
Maghanda para sa paglilingkod bilang misyonero at sa simbahan.
-
Maghandang gumawa at tumupad ng mga tipan sa templo.
Sikaping magturo ng dalawang lesson sa Paghahanda sa Buhay bawat linggo. May mga linggo na maaari kang magturo nang mahigit pa kaysa rito at may mga linggo na maaari kang magturo nang mas kaunti, pero karaniwan ay dapat mong sikaping magturo ng dalawang lesson sa isang linggo hangga’t maaari. Ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na maturuan ng bawat isa sa mga lesson na ito sa buong school year.
Siguraduhing makakuha ng kopya ng gabay sa takbo ng pagtuturo na inilaan para sa iyo ng iyong coordinator o program administrator.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga lesson sa Paghahanda sa Buhay tingnan sa “Training para sa Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay” sa Training para sa Kurikulum ng Seminary.