“Halina’t Basahin ang Lumang Tipan: Buod,’” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Halina’t Basahin ang Lumang Tipan: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Halina’t Basahin ang Lumang Tipan
Halina’t Basahin ang Lumang Tipan
Buod
Nakasulat sa Lumang Tipan ang mga pinakaunang pakikipag-ugnayan ng Diyos sa Kanyang mga anak sa mundo. Sa sagradong aklat na ito ng banal na kasulatan, makikilala natin si Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang mga turo bilang si Jehova sa premortal na buhay. Malalaman din natin ang mga propesiya at simbolo na nagpapatotoo sa Kanya.
Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo. Si Jesucristo ay maraming titulo, tungkuling ginagampanan, at katangian na tutulong sa atin na maunawaan kung paano Siya naging sentro sa plano ng Ama sa Langit. Ang pagtulong sa mga estudyante na matukoy at maunawaan ang mga ito ay makatutulong sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas. Para malaman pa kung bakit ito mahalaga, tingnan ang bahaging “Ituro ang tungkol sa mga Titulo, Tungkuling Ginagampanan, at mga Katangian ni Jesucristo” ng “Magturo tungkol kay Jesucristo Anuman ang Itinuturo Mo” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas. Matatagpuan ang isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa lesson na “Ang Plano ng Kaligtasan.”
Maghandang magturo
Paalala: Maaaring walang klase ang iyong seminary sa ilang araw o sa buong linggo na pag-aaralan ang mga lesson na ito bilang bahagi ng iskedyul ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Maaari mong ituro ang “Pambungad sa Lumang Tipan” sa unang araw ng kurso, kailan man ito mangyayari. Maaari mong ituro ang “Ang Plano ng Kaligtasan” kung kailan ito pinakamainam gawin, maaaring kahit sa kalagitnaan ng kurso.
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Pambungad sa Lumang Tipan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madagdagan ang kanilang hangaring mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang pag-aaral ng Lumang Tipan
-
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na basahing muli ang kanilang paboritong kuwento mula sa Lumang Tipan at pag-isipan kung ano ang maaaring ituro ng kuwentong iyon tungkol sa Ama sa Langit o kay Jesucristo.
-
Video: “Focus Test” (1:02)
-
Mga larawan: Larawan ni Jesucristo, pati ang iba’t ibang larawan na naglalarawan ng mga salaysay sa Lumang Tipan
Ang Plano ng Kaligtasan
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit at ang mahalagang tungkuling ginagampanan ni Jesucristo
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang nalalaman nila tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit at ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng Tagapagligtas sa ating walang-hanggang pag-unlad. Maaaring isulat ng mga estudyante ang mga bahagi ng plano ng kaligtasan na alam nila at magsanay na ipaliwanag ang mga ito sa isang kapamilya o kaibigan.
-
Nilalamang ipapakita: Ang tatlong tanong ni Jonathan na inilista sa simula ng lesson
-
Larawan: “Plano ng Kaligtasan ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesucristo”
-
Handout: “Ang Plano ng Kaligtasan ng Ama sa Langit”