”Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1: Pagsasaulo at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1: Pagsasaulo at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Moises 6: Lesson 15
Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1
Pagsasaulo at Pagsasabuhay ng mga Alituntunin ng Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman
Ang doctrinal mastery ay makatutulong sa mga estudyante na itayo ang kanilang pundasyon kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng mga pagkakataong isaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito at matutuhan at maisabuhay ang mga banal na alituntunin para sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng doctrinal mastery passage at isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari nilang pag-isipan ang kahalagahan ng pagsasaulo ng mga iyon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pagsasaulo
Upang matulungan ang mga estudyante na maisip ang kahalagahan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan, maaari mong ibahagi ang sumusunod:
Ipagpalagay na may kaibigan kayong nagkomento pagkatapos ng klase sa seminary at sinabing walang halaga ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan kung maaari mo namang tingnan ang mga ito sa Gospel Library app.
-
Sa inyong palagay, paano kayo mapagpapala ng pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan?
Maaaring mabanggit ng mga estudyante ang pagkakaroon ng mas malalim na kamalayan sa mga banal na kasulatan, paghahanap ng mga banal na kasulatan kung walang device, at pag-alaala sa mga salita ni Jesucristo sa mga sandali ng pangangailangan. Maaari mong banggitin ang mga halimbawa ng mga indibiduwal sa mga banal na kasulatan na nakaalala sa mga salita ng Diyos sa oras ng pangangailangan. Kabilang sa mga halimbawa ang Tagapagligtas (tingnan sa Mateo 4:1–11), si Nephi (tingnan sa 1 Nephi 4:1–6), at si Abinadi (tingnan sa Mosias 12:27–37).
Pagrerebyu ng doctrinal mastery: Isaulo
Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa mga estudyante na balikan ang kanilang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Lumang Tipan na natutuhan na nila sa taong ito. Ang mga karagdagang ideya para sa mga aktibidad sa pagsasaulo ay nasa mga materyal sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”
Maaari mong pagpartner-partnerin ang mga estudyante at bigyan ang bawat estudyante ng mga piraso ng papel na kasing dami ng bilang ng mga doctrinal mastery passage na napag-aralan na ninyo. Ipakita ang mga doctrinal mastery passage na iyon at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga ito. Ang listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa Lumang Tipan ay makikita sa Doctrinal Mastery Core Document (2023).
Sabihin sa isang partner na ilista ang mga doctrinal mastery reference sa kanilang mga piraso ng papel at ang isa pang partner na ilista ang mahahalagang parirala sa kanilang mga piraso ng papel. Kapag tapos na sila, ang isa sa magkapartner ay dapat mayroong mga piraso ng papel na naglalaman ng bawat scripture reference at ang isa naman ay dapat may mga piraso ng papel na naglalaman ng mga katugmang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Kapag natapos na ng mga estudyante ang pagsulat sa kanilang mga papel, ibigay sa kanila ang mga sumusunod na tagubilin:
-
Hawakan ang inyong mga piraso ng papel sa paraang makikita ninyo ang mga ito ngunit hindi ng inyong kapartner.
-
Maglalagay ang unang kapartner ng papel na may isa sa mga scripture reference sa mesa.
-
Pagkatapos ay hahanapin ng pangalawang kapartner ang katugma nitong mahalagang parirala ng banal na kasulatan at ilalagay ito sa mesa.
-
Pagkatapos ay ilalagay naman ng pangalawang kapartner ang isa sa mahahalagang parirala, at ilalagay ng unang kapartner ang katugmang scripture reference.
-
Ulitin ang proseso hanggang sa maitugma ninyo ang lahat ng inyong papel.
Pagkatapos ay maaaring magpalitan ang magkakapartner kung sino ang hahawak ng mga reference at mahahalagang parirala at muling gawin ang aktibidad. Maaaring orasan ng mga estudyante ang kanilang sarili para makita kung gaano nila kabilis makukumpleto ang aktibidad.
Maaari mong hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang doctrinal mastery app para patuloy na maisaulo ang mga doctrinal mastery passage. Ang maikling pagrerebyu ng mga doctrinal mastery scripture reference at mahahalagang parirala ng mga banal na kasulatan sa mga lesson sa hinaharap ay makatutulong din sa mga estudyante na maisaulo ang mga ito.
Paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman
Ang natitirang bahagi ng lesson ay nakatuon sa pagtulong sa mga estudyante na gamitin ang mga doctrinal mastery passage at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Bago magpatuloy, maaaring makatulong sa mga estudyante na rebyuhin ang mga alituntuning ito sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2023). Ang mga iminumungkahing aktibidad sa pagrerebyu ay makikita sa appendix sa ilalim ng “Mga Aktibidad sa Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery.”
Maaaring makatulong na maikling ipaliwanag na sa gitna ng maraming iba’t ibang impluwensyang kinakaharap natin at ng pagiging abala sa buhay sa araw-araw, maaaring maging mahirap na manatiling nakatuon tayo sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano para sa atin. Para mailarawan ang problemang ito, maaari mong ibahagi ang isa o ang lahat ng sumusunod na sitwasyon. Maaari mong baguhin ang alinman sa mga detalye ng mga sitwasyon upang mas matugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.
-
Palaging maraming kaibigan si Leah sa kanyang komunidad at paaralan. Itinuturing siyang sikat ng kanyang mga kabarkada, at natutuwa siyang maituring sa ganitong paraan. Noong nakaraang taon, lumipat ang pamilya ni Leah sa isang bagong lungsod. Nahirapan siyang madama na nababagay siya rito. Dahil sa kawalan ng malalapit na kaibigan sa kanyang bagong lugar, nagsimulang pagdudahan ni Leah ang kanyang kahalagahan.
-
Si Francis ay isang mahusay na soccer player. Madalas siyang purihin ng kanyang mga kagrupo, coach, at kaibigan dahil sa kanyang mga kakayahan at tagumpay bilang atleta. Ngunit sa taong ito, nagbago ang lahat nang magtamo si Francis ng malubhang pinsala sa tuhod bago magsimula ang season. Nanlumo siya nang malaman niya na kailangan niyang palampasin ang kanyang huling season sa high school. Noong una, maraming tao ang nagpakita ng simpatiya sa kanya, at nagsikap ang kanyang mga kagrupo na isama siya sa mga aktibidad ng team. Ngunit sa paglipas ng panahon, lalo pang nadama ni Francis na hindi na siya napapansin. Sinimulan niyang isipin kung paano maaaring magbago ang buhay niya ngayong hindi na siya nakikita ng iba bilang isang mahusay na soccer player.
-
Ano ang ilan sa mga problema o hamon na sa palagay ninyo ay kailangang talakayin sa mga sitwasyong ito?
-
Bakit kung minsan ay ibinabatay natin ang ating kahalagahan sa mga panlabas na aspeto tulad ng ating mga talento o paraan kung paano tayo kinikilala ng mga tao?
Ipaliwanag na ang doktrina ng Tagapagligtas at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa mga sitwasyong tulad nito.
Upang matulungan ang mga estudyante na simulang gamitin ang mga alituntuning ito, maaari mong hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Atasan ang kalahati ng mga grupo na tumuon sa alituntunin ng pagkilos nang may pananampalataya at ang natitirang kalahati na tumuon sa alituntunin ng pagsusuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw. Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang iba’t ibang paraan kung paano makatutulong ang itinalagang alituntunin sa kanila sa mga indibiduwal sa mga sitwasyon.
Ang isang paraan para magawa nila ito ay sa pamamagitan ng pagsulat ng itinalagang alituntunin sa kanila sa gitna ng isang piraso ng papel. Sa palibot ng alituntunin, maaaring magsulat ang mga grupo ng mga partikular na paraan kung paano makakakilos ang mga indibiduwal nang may pananampalataya o ng mga ideya na makatutulong sa kanila na suriin ang mga alalahanin nila nang may walang-hanggang pananaw.
Maaari mo ring ipakita ang mga sumusunod na tanong para talakayin ng mga grupo.
Kumilos nang may pananampalataya
-
Anong matatapat na kilos ang maaaring gawin ng taong ito na makatutulong sa kanya na tingnan ang kanyang sarili ayon sa pagtingin sa kanya ng Diyos?
-
Anong kaibahan ang magagawa sa buhay ng taong ito ang pag-una niya sa kanyang identidad bilang anak ng Diyos?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Ano ang maaaring makatulong sa taong ito para maalala niya ang tungkol sa Diyos at sa Kanyang plano? Paano ito makatutulong sa kanyang buhay sa araw-araw?
-
Ano ang gusto ninyong maunawaan ng taong ito tungkol sa kanyang identidad at layunin?
Sources na itinalaga ng Diyos
Pagkatapos magtalakayan ng mga grupo, anyayahan silang ibahagi sa klase ang ilan sa kanilang mga ideya. Pagkatapos ay ipaalala sa mga estudyante ang pangatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman: hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos. Bigyan ng oras ang mga estudyante para makahanap ng sources na itinalaga ng Diyos na makatutulong sa mga indibiduwal sa mga sitwasyon. Maaaring makatulong dito ang mga sumusunod na tanong.
-
Paano makatutulong sa taong ito ang mga turo sa alinman sa mga doctrinal mastery passage?
-
Anong iba pang banal na kasulatan o pahayag ng mga lider ng Simbahan ang maaaring makatulong?
Kung kinakailangan, maaari mong ipaalala sa mga estudyante ang mga banal na kasulatan o pahayag mula sa mga lider ng Simbahan na napag-aralan na nila sa taong ito na may kaugnayan sa ating banal na identidad at layunin. Kabilang sa mga halimbawa ang Moises 1:2–6; Abraham 3:22–23; Genesis 1:26–27. Maaari mo ring patingnan sa mga estudyante ang mga pahayag mula sa handout na may pamagat na “Ako ay Anak ng Diyos,” na matatagpuan sa Lesson 8: “Genesis 1:26–27.”
Habang nagbabahagi ang mga estudyante ng sources na itinalaga ng Diyos, anyayahan sila na talakayin kung bakit o paano sa kanilang palagay makatutulong ang sources na ito sa mga indibiduwal sa mga sitwasyon. Maaari mo ring tanungin ang mga estudyante kung paano sila napagpapala ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag nahaharap sa mga hamon na may kaugnayan sa sarili nilang identidad.