Seminary
Genesis 5; Moises 6: Buod


“Genesis 5; Moises 6: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 5; Moises 6: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 5; Moises 6

Genesis 5; Moises 6

Buod

Tinawag ng Panginoon si Enoc upang mangaral ng pagsisisi sa isang masamang grupo ng mga tao. Bagama’t nadama ni Enoc na may kakulangan siya, pinalakas siya ng Panginoon. Itinuro ni Enoc sa mga tao kung bakit kailangan nila ng isang Tagapagligtas at kung paano sila makalalapit sa Kanya at makatatanggap ng mga pagpapalang Siya lamang ang makapagbibigay.

icon ng seminary Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila. Ang pagbibigay ng magagandang tanong sa talakayan ay makapagpapataas sa kumpiyansa ng mga estudyante sa pakikibahagi sa mga pag-uusap tungkol sa ebanghelyo. Para matuto pa, tingnan ang “Hinikayat ng Tagapagligtas ang Iba na Ibahagi ang mga Katotohanang Natutuhan Nila” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 26). Matatagpuan ang isang halimbawa kung paano hikayatin ang iba na magbahagi sa Lesson 13: “Moises 6:1–39.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Moises 6:1–39

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magtiwala sa Panginoon at sa Kanyang kapangyarihan na tulungan at palakasin sila.

  • Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga pagkakataon kung kailan naranasan ng mga tao ang kapangyarihan ng Panginoon nang tulungan Niya sila na makayanan ang mga paghihirap. Hikayatin sila na maghanap ng mga halimbawa sa mga banal na kasulatan.

  • Nilalamang ipapakita: Mga pahayag na matatagpuan sa ilalim ng heading na “Pakiramdam na may kakulangan”

  • Handout:Naranasan ni Enoc ang Kapangyarihan ng Panginoon

  • Video:Becoming True Millennials“ (30:29; panoorin mula sa time code na 9:05 hanggang 12:29)

Moises 6:47–68

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano lumapit kay Jesucristo at makatanggap ng mga pagpapala na Siya lamang ang makapagbibigay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na itanong sa isang kapamilya o kaibigan kung bakit mahalaga sa kanila si Jesucristo at kung ano ang ibig sabihin para sa kanila ng lumapit sa Kanya.

  • Larawan: Isang larawan ni Jesucristo

  • Nilalamang ipapakita: Pagsusuri sa sarili sa bahaging may pamagat na “Lumapit kay Cristo”; chart para sa aktibidad sa pag-aaral

Pagsasanay sa Doctrinal Mastery 1

Layunin ng lesson: Mabigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong maisaulo ang mga doctrinal mastery reference at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan at matutuhan at maisabuhay ang mga banal na alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

  • Paghahanda ng estudyante: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pumili ng doctrinal mastery passage at isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan. Pagkatapos ay maaari nilang pag-isipan ang kahalagahan ng pagsasaulo ng mga iyon.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Mga piraso ng papel para sa aktibidad sa pagsasaulo

  • Nilalamang ipapakita: Mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan; mga tagubilin para sa aktibidad sa pagsasaulo; mga tanong sa talakayan para sa aktibidad sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman