“Moises 7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Moises 7: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Moises 7
Moises 7
Buod
Tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na Sion sapagkat sila ay nagkaisa, namuhay nang matwid, at nagmalasakit sa mga maralita. Ipinakita Niya kay Enoc na ang Sion ay dadalhin sa langit, ngunit tumangis Siya para sa mga taong nanatili sa lupa sa kanilang kasamaan. Kalaunan ay mararanasan ng mga taong ito ang malaking baha. Ipinakita rin ng Panginoon kay Enoc ang sakripisyo ng Tagapagligtas. Nangako ang Panginoon na sa mga huling araw, titipunin at pangangalagaan Niya ang mga taong susunod sa Kanya.
Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay. Ang pagtulong sa mga estudyante na maunawaan kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kanila ay makatutulong sa kanila na manampalataya sa Kanya. Makikita ang isang halimbawa ng paggawa nito sa Lesson 18: “Moises 7:53–69.” Para matuto pa, tingnan ang “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 8).
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Moises 7:1–21
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo na taglay ni Enoc at ng kanyang mga tao.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang tungkol sa nakaraang araw nila at ang maaaring naging epekto ng kanilang mga ginawa sa ibang tao.
-
Mga larawan: Mga punong redwood; mga ugat ng mga puno ng redwood
-
Handout: “Mamamayan ng Sion”
-
Video: “Charity: An Example of the Believers” (4:50)
Moises 7:22–47
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang awa at pagmamahal ng Diyos para sa lahat ng Kanyang anak.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na mag-isip ng mga karanasan at banal na kasulatan na tumutulong sa kanila na malaman kung ano ang katangian ng Ama sa Langit. Maaari din nilang hilingin sa mga magulang o pinagkakatiwalaang lider o kaibigan na magbahagi ng mga karanasan o banal na kasulatan sa kanila. Sabihin sa mga estudyante na maghandang magbahagi.
-
Video: “The Grandeur of God” (15:28) mula sa time code na 6:35 hanggang 9:52
Moises 7:53–69
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maunawaan at mapahalagahan ang ginawa ng Panginoon para matulungan sila na makayanan ang mga pagsubok sa ating kasalukuyang panahon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng isang talata mula sa Aklat ni Mormon na nakatulong sa kanila noong naharap sila sa mga pagsubok.
-
Mga larawan: Isang bagyo; ang Unang Pangitain; Ipinagkakaloob ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood kay Joseph Smith; Ipinagkakaloob nina Pedro, Santiago, at Juan ang Melchizedek Priesthood kay Joseph Smith; ang Doktrina at mga Tipan; mga lider ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya; kinukuha ni Joseph Smith ang mga laminang ginto; isang kongregasyon sa simbahan