Ang mga miyembro ng Simbahan ay gumawa ng tipan na “magpasan ng pasanin ng isa’t isa, … makidalamhati sa mga yaong nagdadalamhati … , at aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw,” (Mosias 18:8–9). Ang pangangalaga sa mga taong may temporal na mga pangangailangan ay bahagi ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan. Ang responsibilidad na ito ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan habang sila ay nagmiminister sa isa’t isa.