Mga Hanbuk at Calling
36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit


“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020).

“36. Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
lalaking nagbibigay ng mensahe sa sacrament meeting

36.

Paglikha, Pagbabago, at Pagpapangalan ng mga Bagong Unit

36.0

Pambungad

Ang mga miyembro ng Simbahan ay kabilang sa mga kongregasyon batay sa lugar kung saan sila nakatira (tingnan sa Mosias 25:17–24). Ang mga kongregasyong ito ay mahalaga sa pag-oorganisa at pagsasagawa ng gawain ng Simbahan sa ilalim ng wastong awtoridad ng priesthood. Ang mga lider ng mga kongregasyon ay binibigyan ng mga susi ng priesthood upang bigyang-pahintulot ang pagsasagawa ng mga ordenansa ng priesthood. Ang mga kongregasyon ay tumutulong din sa mga miyembro na palakasin ang pananampalataya ng isa’t isa sa pamamagitan ng pagsamba nila sa Diyos, pag-aaral ng mga turo ni Jesucristo, at paglilingkod.

Kabilang sa mga kongregasyon (tinatawag ding mga unit) ng Simbahan ang mga stake, district, ward, at branch. Ang mga ito ay nililikha, binabago, o hindi ipinagpapatuloy ayon lamang sa pangangailangan.

Ang mga lider ay nagsisikap na palakasin sa espirituwal ang mga miyembro bago magmungkahi na lumikha ng bagong unit o baguhin ang hangganan ng isang unit. Dapat lamang lumikha ng mga bagong unit kapag ang mga kasalukuyang unit ay may sapat nang lakas.

Para sa suporta sa Estados Unidos at Canada, tumawag sa 1-801-240-1007. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, tumawag sa area office.

36.1

Paglikha o Pagbago ng mga Stake at District

Ang mga stake ay nililikha mula sa mga district o sa pamamagitan ng paghahati sa umiiral na mga stake. Ang isang stake o mission president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang bagong stake. Kailangan niya munang matiyak na matutugunan nito ang mga minimum na kinakailangan na makikita sa sumusunod na table.

Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Stake

U.S. at Canada

Lahat ng iba pang mga bansa

Bilang ng mga miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo)

U.S. at Canada

3,000

Lahat ng iba pang mga bansa

1,900

Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga leadership position

U.S. at Canada

180

Lahat ng iba pang mga bansa

120

Bilang ng mga ward

U.S. at Canada

5

Lahat ng iba pang mga bansa

5

Ang mga district ay nililikha mula sa mga branch sa isang mission o sa isang umiiral na stake. Walang kinakailangang minimum na bilang ng mga miyembro o mga branch para lumikha ng isang district.

Dapat mapanatili ng isang district sa loob ng anim na buwan ang lakas na tulad ng sa isang stake bago maaaring imungkahi ng mission president na gawin itong stake.

Ang hangganan ng isang stake o district ay nakaayon sa mga hangganan ng mga unit na napapaloob dito. Upang makapagmungkahi na baguhin ang mga hangganan ng isang stake o district o ilipat ang isang unit sa katabing stake o district, ang mga stake o mission president na may kinalaman dito ay magpaplano at magsasanggunian para sa rekomendasyon.

Isang stake o mission president ang nagpapasimula ng isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.

Ang pag-apruba sa mga iminungkahing pagbabago sa stake ay manggagaling sa Unang Panguluhan at sa Korum ng Labindalawa. Karaniwang gumagawa sila ng desisyon sa loob ng apat na linggo matapos matanggap ang nakumpletong proposal.

36.2

Paglikha o Pagbago ng mga Ward at Branch sa mga Stake

Ang mga ward at branch sa mga stake ay nililikha mula sa mga umiiral na unit. Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng isang bagong ward o branch sa stake. Kailangan niya munang matiyak na matutugunan ng bagong unit ang mga minimum na kinakailangan na makikita sa sumusunod na mga table.

Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Ward

U.S. at Canada

Lahat ng iba pang mga bansa

Bilang ng mga miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo)

U.S. at Canada

300

Lahat ng iba pang mga bansa

150

Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga leadership position

U.S. at Canada

1 para sa bawat 20 miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo). Kailangang mayroong minimum na 20.

Lahat ng iba pang mga bansa

1 para sa bawat 20 miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo). Kailangang mayroong hindi bababa sa 15.

Mga Minimum na Kinakailangan para Lumikha ng Isang Branch sa Stake

Bilang ng mga miyembro (aktibo at di-gaanong aktibo)

20

Bilang ng aktibo at full-tithe-payer na mga mayhawak ng Melchizedek Priesthood na may kakayahang maglingkod sa mga leadership position

4

Maaaring magmungkahi ang isang stake president na gawing ward ang isang branch kapag natugunan nito ang mga minimum na kinakailangan at natukoy niya ang isang taong maaaring maglingkod bilang bishop.

Ang isang stake president ay maaaring magmungkahi na baguhin ang mga hangganan o hindi na ipagpatuloy pa ang mga ward o branch kapag malinaw na kailangan itong gawin.

Pasisimulan ng isang stake president ang isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.

Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring mag-apruba sa proposal. Karaniwang gumagawa sila ng desisyon sa loob ng apat na linggo matapos matanggap ang nakumpletong proposal.

36.3

Paglikha o Pagbago ng mga Branch sa mga Mission

Ang isang mission president ay maaaring magmungkahi na lumikha ng mga bagong branch sa isang mission. Walang kinakailangang minimum na bilang ng mga miyembro para makalikha ng isang branch sa isang mission. Gayunman, ang mga bagong branch ay karaniwang dapat mayroong hindi bababa sa apat na mayhawak ng priesthood. Kahit isa man lang sa kanila ay dapat aktibo at full-tithe-payer na mayhawak ng Melchizedek Priesthood.

Pasisimulan ng isang mission president ang isang bagong proposal sa “Boundary and Leadership Proposals.” Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.

Ang Area Presidency ay maaaring magbigay ng huling pag-apruba o pagtanggi sa proposal ng isang mission president na:

  • Lumikha at pangalanan ang isang branch sa isang mission.

  • Hindi na ipagpatuloy ang isang branch sa isang mission.

  • Baguhin ang mga hangganan ng branch sa isang mission kung ang pagbabago ay hindi makaaapekto sa isang stake, district, o isa pang mission.

Dapat isumite ng Area Presidency ang inaprubahang proposal sa headquarters ng Simbahan para maproseso ito bago likhain ang branch o baguhin ang pangalan nito sa mga system ng Simbahan.

Ang Area Presidency ay maaaring mag-endorso subalit hindi maaaring magbigay ng huling pag-apruba sa proposal ng isang mission president na:

  • Ilipat ang isang branch sa isa pang stake, district, o mission.

  • Baguhin ang pangalan ng isang umiiral na branch sa isang mission.

  • Baguhin ang mga hangganan ng branch sa isang mission kung ang pagbabago ay makaaapekto sa isang stake, district, o isa pang mission.

  • Lumikha o baguhin ang isang mission branch para sa mga young single adult o single adult; mga miyembrong hindi nagsasalita ng lokal na katutubong wika; mga miyembro na nasa mga care center, treatment program, o bilangguan; o mga miyembro sa military.

Sa ganitong mga sitwasyon, nirerebyu ng Area Presidency ang proposal, at kung ito ay kanilang ieendorso, isusumite nila ito para maaprubahan. Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring magbigay ng huling pag-apruba. Karaniwang gumagawa sila ng desisyon sa loob ng apat na linggo matapos matanggap ang nakumpletong proposal.

Larawan
pamilya sa simbahan

36.4

Pagpapangalan sa mga Unit ng Simbahan

Ang pangalan ng isang unit ay dapat makatulong na tukuyin ang mga taong nakatira sa lugar na iyon. Karaniwang hindi dapat baguhin ang mga pangalan ng mga umiiral na unit.

Kung nais ng isang stake o mission president na baguhin ang pangalan lamang ng isang unit, hindi na niya kailangang gamitin ang online system. Isusumite niya ang proposal sa pagtawag sa 1-801-240-1007. Sa labas ng Estados Unidos at Canada, siya ay tatawag sa area office.

Kung ang pangalan ng unit ay kailangang baguhin dahil sa pagbabago ng mga hangganan, ang stake o mission president ay magpapasimula ng isang bagong proposal gamit ang online system sa Boundary and Leadership Proposals. Kung hindi niya magamit ang online system, maaari niyang i-download ang mga form sa pamamagitan ng pag-klik sa link.

Ang Unang Panguluhan lamang ang maaaring mag-apruba sa ganitong mga proposal.

Ang mga Area Presidency ay maaaring mag-apruba ng mga proposal para lumikha at pangalanan ang mga bagong branch sa mga mission (tingnan sa 36.3).

36.4.1

Pagpapangalan sa mga Stake at District

Ang unang salita sa pangalan ng stake o district ay isa sa mga sumusunod:

  • Ang lungsod kung saan matatagpuan ang headquarters ng stake o district

  • Isa pang lungsod sa stake o district na kilalang-kilala ng mga miyembro

  • Isang tampok na lugar na sakop ng stake o district

Sa Estados Unidos at Canada, ang pangalawang salita ay ang estado o probinsya kung saan matatagpuan ang stake o district. Sa ibang mga bansa, ang pangalawang salita ay ang pangalan ng bansa.

Kapag mayroong mahigit sa isang stake o district ang nasa parehong lungsod, ang ikatlong pangalan ay isang pantukoy na katangian na nasa loob ng mga hangganan ng unit. Ang ilan sa pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga stake at district ay makikita sa ibaba:

  • Direksyon sa kompas (north, south, east, o west)

  • Komunidad

  • Tampok na lugar

Ang ilan sa hindi pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga stake at district ay makikita sa ibaba:

  • Iba pang direksyon (halimbawa, southwest)

  • Mga pangalan ng tao

Kapag ang pangalan ng isang lungsod ay kapareho ng pangalan ng estado, probinsya, o bansa, hindi na ito inuulit pa sa pangalan. Halimbawa:

  • Idaho Falls Taylor Mountain Stake, hindi Idaho Falls Idaho Taylor Mountain Stake

  • México City Azteca Stake, hindi México City México Azteca Stake

36.4.2

Pagpapangalan sa mga Ward at Branch

Ang isang ward o branch ay pinapangalanan batay sa isang pantukoy na katangian na matatagpuan sa loob ng mga hangganan nito. Ang ilan sa pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga ward at branch ay makikita sa ibaba:

  • Lungsod

  • Komunidad

  • Kalye

  • Parke o Liwasan

  • Paaralan

  • Tampok na lugar

Ang ilan sa hindi pinahihintulutang pantukoy na katangian para sa pangalan ng mga ward at branch ay makikita sa ibaba:

  • Direksyon sa kompas (halimbawa, east o northwest)

  • Mga pangalan ng tao

  • Mga pangalan na batay lamang sa view o sa lugar na makikita mula roon (halimbawa, Temple View, Mountain View, o River View)

  • Ang pagsasama ng dalawang pangalan upang lumikha ng isang bagong pangalan

Ang pangalan ng isang pantukoy na katangian lamang ang gagamitin sa pangalan ng ward o branch. Kung may higit sa isang ward o branch na magkapareho ng pangalan, isang numero ang idinaragdag bilang bahagi ng pangalan, tulad ng Preston 1st Ward at Preston 2nd Ward.

Ang pangalan ng ward o branch ay dapat nasa wika ng lugar. Kung ang wika ay hindi gumagamit ng alpabetong Romano, dapat ilakip sa aplikasyon ang isang pagsasaling gumagamit ng mga Romanong titik.

36.5

Pagpapatupad ng mga Iminungkahing Pagbabago

36.5.1

Mga Pagbabago sa Stake at District

Ang liham ng pag-apruba para sa paglikha o hindi na pagpapatuloy ng isang stake o district ay karaniwang nagsasaad ng petsa kung kailan gagawin ang mga pagbabagong iyon. Ang petsang ito ay hindi dapat ipaalam hangga’t hindi tinatalakay ng naatasang General Authority ang mga detalye sa stake o mission president. Ang aktuwal na mga pagbabago ay hindi ipinaaalam hanggang sa stake o district conference.

Inaabisuhan ng stake o mission president ang headquarters ng Simbahan o ang kanilang area office pagkatapos maipatupad ang mga pagbabago.

36.5.2

Mga Pagbabago sa Ward at Branch

Matapos matanggap ng isang stake o mission president ang pag-apruba para sa mga pagbabago sa ward o branch, karaniwang mayroon siyang 90 araw para ilahad sa mga miyembro ang mga pagbabago at kanila itong masang-ayunan. Kung kailangan niya itong ipagpaliban nang higit sa 90 araw, kailangan niyang humingi ng pahintulot mula sa Office of the First Presidency.

Inaabisuhan ng stake o mission president ang headquarters ng Simbahan o ang kanilang area office pagkatapos maipatupad ang mga pagbabago. Ang mga mapa at unit ay hindi ina-update hanggang sa maitala ang mga ito ng headquarters ng Simbahan.

Larawan
mga taong kumakanta sa simbahan

36.6

Basic Unit Program

Binuo ng Simbahan ang Basic Unit Program para gamitin ng ilang maliliit na branch o maliliit na awtorisadong pagtitipon ng mga miyembro, na kilala bilang mga group (tingnan ang 37.7 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga group). Maaaring pahintulutan ng isang Area Presidency ang paggamit ng Basic Unit Program sa maliliit na branch o mga group kung saan naaangkop ang alinman sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Ang Simbahan ay nagsisimula pa lamang.

  • Magkakalayo ang mga miyembro.

  • Kakaunti lamang ang mga miyembro, at ang mga lider ay nagsisimula pa lamang umunlad.

  • Ang mga miyembro ay may mga espesyal na pangangailangan sa wika o nasa mga care center, treatment program, o bilangguan.

Maaari ding pahintulutan ng Area Presidency na gamitin ang Basic Unit Program sa mga mission o mga stake kung saan umiiral ang mga kondisyong ito.

Ang mga tuntunin para sa programang ito ay nakalagay sa Gabay na Para sa Pangunahing Programa sa Yunit (Basic Unit Program Guidebook). Nakalagay ang ibang impormasyon sa Gabay na Aklat ng Sangay (Branch Guidebook), Gabay na Aklat ng mga Pinuno ng Pagkasaserdote at Pantulong na Samahan (Priesthood and Auxiliary Leaders’ Guidebook), Gabay na Aklat ng Mag-anak (Family Guidebook), at Gabay na Aklat sa Pagtuturo (Teaching Guidebook).