Mga Hanbuk at Calling
16. Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo


“Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw (2020).

“Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo,” Pangkalahatang Hanbuk.

Larawan
mag-asawang nananalangin

16.

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos ay nakatuon sa apat na responsibilidad na ibinigay ng Diyos (tingnan sa 1.2). Ang una sa mga ito ay ang pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ipinamumuhay natin ang ebanghelyo kapag tayo ay:

  • Nananampalataya kay Jesucristo.

  • Nagsisisi araw-araw.

  • Nakikipagtipan sa Diyos sa pagtanggap natin ng mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan.

  • Nagtitiis hanggang wakas sa pamamagitan ng pagtupad sa mga tipang iyon.

Kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo at nararanasan ang impluwensya ng Espiritu Santo, nanaisin nating tulungan ang ating mga kapamilya at ang ibang tao na matanggap ang mga pagpapala ng Diyos (tingnan sa 1 Nephi 8:10–12). Pinag-aaralan at itinuturo natin ang ebanghelyo ni Jesucristo sa tahanan at sa simbahan. Sinisikap nating maging self-reliant sa paglalaan para sa ating mga sarili at ating mga pamilya, kapwa sa espirituwal at temporal na mga aspekto ng buhay.

Saklaw ng pasasabuhay ng ebanghelyo ang iba pang mga aspekto ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos. Kabilang sa mga ito ang pangangalaga sa mga nangangailangan, pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo, at pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan.