Doktrina at mga Tipan 2021
Hunyo 28–Hulyo 4. Doktrina at mga Tipan 71–75: “Walang Sandata na Ginawa Laban sa Inyo ang Mananaig”


“Hunyo 28–Hulyo 4. Doktrina at mga Tipan 71–75: ‘Walang Sandata na Ginawa Laban sa Inyo ang Mananaig,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Doktrina at mga Tipan 2021 (2020)

“Hunyo 28–Hulyo 4. Doktrina at mga Tipan 71–75,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: 2021

Larawan
si Jesus kasama ang mga tupa

Dear to the Heart of the Shepherd, ni Simon Dewey

Hunyo 28–Hulyo 4

Doktrina at mga Tipan 71–75

“Walang Sandata na Ginawa Laban sa Inyo ang Mananaig”

Itinuro ni Elder Quentin L. Cook, “Ang impluwensiya ng Espiritu Santo ay madalas nararamdaman sa indibiduwal na pag-aaral ng banal na kasulatan at pagdarasal sa tahanan” (“Malalim at Tumatagal na Pagbabalik-loob sa Ama sa Langit at sa Panginoong Jesucristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 10).

Itala ang Iyong mga Impresyon

Simula pa noong bata siya, naharap na si Joseph Smith sa mga kritiko—maging sa mga kaaway—habang sinisikap niyang gawin ang gawain ng Diyos. Ngunit marahil lalong nagdulot ito ng pighati sa huling bahagi ng 1831 nang simulang batikusin ni Ezra Booth ang Simbahan, dahil sa sitwasyong ito ang kritiko ay dating naniniwala. Nakita ni Ezra ang paggamit ni Joseph ng kapangyarihan ng Diyos para pagalingin ang isang babae. Inanyayahan siyang samahan si Joseph sa unang pag-inspeksyon sa lupain ng Sion sa Missouri. Ngunit simula noon nawala na ang kanyang pananampalataya at, sa pagtatangkang siraan ang Propeta, naglathala ng serye ng mga liham sa isang pahayagan sa Ohio. At tila umepekto ang kanyang mga pagtatangka: “hindi mabuting damdamin [ang namuo] laban sa Simbahan” sa lugar na iyon (Doktrina at mga Tipan 71, section heading). Ano ang dapat gawin ng mga naniniwala sa sitwasyong iyon? Bagama’t walang isang tamang sagot para sa bawat sitwasyon, tila madalas—pati na sa sitwasyong ito noong 1831—bahagi ng sagot ng Panginoon ay ang ipagtanggol ang katotohanan at ituwid ang mga kamalian sa pamamagitan ng “pagpapahayag [ng] ebanghelyo” (talata 1). Oo, ang gawain ng Panginoon ay palaging magkakaroon ng mga kritiko, ngunit sa huli, “walang sandata na ginawa laban [dito] ang mananaig” (talata 9).

Tingnan sa “Ezra Booth and Isaac Morley,” Revelations in Context, 134.

Larawan
icon ng personal na pag-aaral

Mga Ideya para sa Personal na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Doktrina at mga Tipan 71

Lilituhin ng Panginoon ang mga kritiko ng Kanyang gawain sa Kanyang takdang panahon.

Maaaring nag-aalala tayo kapag naririnig natin ang mga tao na pinipintasan o kinukutya ang Simbahan o mga lider nito, lalo na kapag natatakot tayo na baka maimpluwensyahan ng pamimintas na iyan ang mga taong kakilala at mahal natin. Nang may nangyaring ganoon sa Ohio noong 1831 (tingnan sa section heading ng Doktrina at mga Tipan 71), ang mensahe ng Panginoon kina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay tungkol sa pananampalataya at hindi sa takot. Sa pag-aaral mo ng Doktrina at mga Tipan 71, ano ang nakita mo na nagpalakas ng iyong pananampalataya sa Panginoon at sa Kanyang gawain? Ano ang tumimo sa iyo tungkol sa mga tagubilin na ibinigay ng Panginoon sa Kanyang mga tagapaglingkod sa sitwasyong ito?

Tingnan din sa Robert D. Hales, “Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 72–75; Jörg Klebingat, “Pagtatanggol sa Pananampalataya,” Ensign, Set. 2017, 49–53.

Doktrina at mga Tipan 72

Ang mga bishop ay mga katiwala sa mga gawaing espirituwal at temporal ng kaharian ng Panginoon.

Nang tawagin si Newel K. Whitney na maglingkod bilang pangalawang bishop ng Simbahan, bahagyang naiiba ang kanyang mga tungkulin sa mga bishop ngayon. Halimbawa, pinangasiwaan ni Bishop Whitney ang paglalaan ng mga ari-arian at ang pahintulot na manirahan sa Missouri, sa lupain ng Sion. Ngunit habang binabasa mo ang tungkol sa kanyang pagkakatawag at mga tungkulin sa Doktrina at mga Tipan 72, maaaring mapansin mo ang ilang kaugnayan sa ginagawa ng mga bishop ngayon—sa layunin, kung hindi man sa mga detalye, ng kanilang mga tungkulin. Halimbawa, paano ka “magbibigay-sulit” sa iyong bishop? (talata 5). Paano “[nag-iingat] ng kamalig ng Panginoon” ang bishop at paano niya pinangangasiwaan ang mga inilaan ng mga miyembro ng ward? (tingnan sa talata 10, 12). Paano ka natulungan ng bishop?

Tingnan din sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Obispo,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org.

Larawan
bariles at mga sako ng pagkain

Pinamahalaan ni Newel K. Whitney ang bishops’ storehouse.

Doktrina at mga Tipan 73

Maaari akong maghanap ng mga pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo.

Pagkabalik nina Joseph Smith at Sidney Rigdon mula sa kanilang maikling misyon ng pangangaral upang ayusin ang ilan sa mga pinsalang idinulot ni Ezra Booth (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 71), sinabi ng Panginoon sa kanila na balikan ang pagsasalin ng Biblia (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagsasalin ni Joseph Smith”). Ngunit nais din Niya na ipagpatuloy nila ang pangangaral ng ebanghelyo. Sa pagbabasa mo ng Doktrina at mga Tipan 73, isipin kung paano mo “magagawa” (talata 4) na patuloy—o makatotohanang—bahagi ng iyong buhay ang pangangaral ng ebanghelyo kasama ang iba mo pang mga responsibilidad.

Doktrina at mga Tipan 75:1–12

Pinagpapala ng Panginoon ang mga taong matapat sa pagpapahayag ng Kanyang ebanghelyo.

Sa pagtugon sa utos na “humayo kayo sa buong sanlibutan” upang ipangaral ang ebanghelyo (Doktrina at mga Tipan 68:8), maraming matatapat na elder ang humingi ng karagdagang impormasyon tungkol sa paraan kung paano nais ng Panginoon na maisagawa nila ang utos na ito. Anong mga salita at parirala na nakita mo sa Doktrina at mga Tipan 75:1–12 ang tumulong sa iyo na maunawaan kung paano mabisang maipapangaral ang ebanghelyo? Anong mga pagpapala ang ipinangako ng Panginoon sa matatapat na missionary? Isipin kung paano naaangkop sa iyo ang mga tagubilin at pagpapalang ito kapag ibinahagi mo ang ebanghelyo.

Larawan
icon ng pag-aaral ng pamilya

Mga Ideya para sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan ng Pamilya at Family Home Evening

Doktrina at mga Tipan 71.Ano ang ipinagawa kina Joseph Smith at Sidney Rigdon nang batikusin ng ibang tao ang Simbahan at mga lider nito? Paano natin “[ihahanda] ang daan” para matanggap ng mga tao ang mga paghahayag ng Diyos? (Doktrina at mga Tipan 71:4).

Doktrina at mga Tipan 72:2.Paano napagpala ng mga bishop ang ating pamilya? Ano ang ipinagagawa sa atin ng ating bishop, at paano natin siya susuportahan? Marahil maaaring gumawa ng kard ang inyong pamilya para pasalamatan ang inyong bishop sa kanyang paglilingkod.

Doktrina at mga Tipan 73:3–4.Makikinabang ba ang inyong pamilya sa pag-aaral ng tungkol sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia? (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagsasalin ni Joseph Smith”). Maaari ninyong pag-aralan ang ilan sa mga talata na binago sa Pagsasalin ni Joseph Smith at talakayin ang mahahalagang katotohanang inihayag ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta. Para sa ilang halimbawa, tingnan sa Pagsasalin ni Joseph Smith Genesis 14:25–40 at Genesis 50:24–38 sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Doktrina at mga Tipan 74:7.Ano ang itinuturo sa atin ng talatang ito tungkol kay Jesucristo at sa maliliit na bata?

Doktrina at mga Tipan 75:3–5, 13, 16.Matutulungan ninyo ang inyong pamilya na maunawaan kung paano nais ng Panginoon na maglingkod tayo sa Kanya sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa pagkakaiba ng pagiging “tamad” at “[paggawa] nang [ating] buong lakas.” Marahil maaari kayong pumili ng ilang gawaing-bahay at anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na ipakita kung paano gawin nang may katamaran ang mga gawaing-bahay na iyon at pagkatapos ay gawin ito nang buo nilang lakas. Paano natin mapaglilingkuran ang Panginoon nang buong lakas natin? Ayon sa Doktrina at mga Tipan 75:3–5, 13, 16, ano ang ipinangako Niya sa Kanyang matatapat na tagapaglingkod?

Para sa iba pang mga ideya sa pagtuturo sa mga bata, tingnan ang outline para sa linggong ito sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Primary.

Iminumungkahing awit: “Magpatuloy Tayo,” Mga Himno, blg. 148.

Pagpapabuti ng Personal na Pag-aaral

Maghanap ng mga salita at pariralang nagbibigay-inspirasyon. Habang nagbabasa, maaaring ituon ng Espiritu ang iyong pansin sa partikular na mga salita o parirala. Maaari mong isulat ang mga salita o parirala mula sa Doktrina at mga Tipan 71–75 na nagbigay ng inspirasyon sa iyo.

Larawan
binatilyo na may kasamang lider ng Priesthood

Paglalarawan sa binatilyo na may kasamang lider ng priesthood ni D. Keith Larson