2019
Ang Pinakamaimpluwensyang mga Tao
Pebrero 2019


Mga Young Adult

Ang Pinakamaimpluwensyang mga Tao

Larawan
walking down a hill

Nakabasa ka na ba ng mga artikulong may pamagat na tulad ng “30 Maimpluwensyang Tao na Wala pang 30” at naisip mong, “Paano ako makakasama sa listahang iyon?” Talagang pinag-isipan ko kung paano ako mas makakabahagi, mas makatutulong, at oo, magiging mas mahalaga (na ibig sabihin siguro ay kailangan ko ring maging mas mapagpakumbaba). Kahit maaaring kinikilala ng mundo ang ating mga kontribusyon, kung minsa’y mas lihim na pagtupad ang mga ito ng ating mga tipan sa Diyos.

Hindi natin kailangang mangibang-bansa para maimpluwensyahan ang isang tao sa malayong lugar. Nagsisimula ito sa tahanan natin mismo, sa ating pamilya o mga roommate, at sa ating mga kapitbahay. Nagsisimula ito sa ating mga komunidad. Kapag sinimulan nating magbago at maging gayon, ang “Oras na Maglingkod” (pahina 44) ay nag-aalok ng ilang praktikal na hakbang sa paglilingkod sa ating komunidad. Maaring ang ibig sabihin ng mag-ukol ng oras para tulungan ang iba ay kailangan nating gumawa ng mga pagbabago—marahil ay pagbabago ng puso o pagbabago kung saan natin ginugugol ang ating oras at lakas.

Sa “Isang Malaking Puwersa para sa Kabutihan” (pahina 46), nagbahagi ng kanilang karanasan ang ilang young adult sa pagkakaroon ng pag-ibig tulad ng kay Cristo para sa iba. Ang mga kuwentong ito ay nagpapakita kung paano maaakay ng inspirasyon at pananampalataya ang mga young adult para maging impluwensya para sa kabutihan.

Ipinaalala sa atin ni Elder Gavarret na mga bayani na tayo (tingnan sa pahina 49). Bago tayo isinilang, pinili nating bumaba sa lupa, at ngayo’y mapipili natin kung anong klaseng kaibhan ang gusto nating gawin. Ang pagkakaroon ng ating sariling misyon ay gagabay sa atin sa paglilingkod sa ating Ama at sa Kanyang Anak na si Jesucristo.

Sa karanasan ko, mayroong mahigit “30 maimpluwensyang tao na wala pang 30” sa mga young adult ng Simbahan. Ang pinakamaimpluwensyang mga taong nakikita ko ay yaong mga “tagatupad … ng salita, at [hindi] tagapakinig lamang” (Santiago 1:22). Sila yaong mga tumutupad ng tipan. Maaaring kayong lahat iyon.

Inaasam kong makita ang kaibhang magagawa ninyo,

Liz Stitt