2019
Mas Mabuti sa Bawat Araw
Pebrero 2019


Mas Mabuti sa Bawat Araw

Larawan
A Little Better Every Day

Matutulungan tayo ng Ama sa Langit na gumawa ng mas mabubuting pasiya o pagpili araw-araw. Bahagi ito ng pagsisisi! Gumuhit ng isang linya na magtutugma sa mga pasiya kahapon sa mas mabubuting pasiya ngayon.

Mga Pagpili Kahapon

  1. Tinukso ko ang aking maliit na kapatid, kahit sinabi na niyang tumigil ako.

  2. Nagalit ako at sumigaw nang matalo kami sa larong football.

  3. Tanghali na akong nagising at hindi na nakapagdasal sa umaga.

  4. Nagsalita ako ng masama sa isang batang tumawa sa akin.

  5. Nagsinungaling ako kay Mama tungkol sa natapon na isang banga ng tubig noong tinanong niya ako.

Mga Pagpili Ngayon

  1. Humingi ako ng paumanhin kay Mama at sinabi sa kanya ang totoo. Pagkatapos ay tumulong ako sa pagkuha ng tubig.

  2. Nang papunta na ako sa paaralan, nag-isip ako ng mga paraan kung paano ako hindi magagalit sa ibang tao.

  3. Humingi ako ng paumanhin sa aking coach dahil nagalit ako.

  4. Nag-sorry ako sa kapatid kong babae at nagdrowing ng isang nakakatawang larawan ng isang pusa.

  5. Natulog ako nang maaga at nagising ako nang maaga kaya marami akong panahon para magdasal.