2017
Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa sex education?
March 2017


Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa sex education?

Larawan
Father and son

Sinabi ng mga pinuno ng Simbahan na dapat kayong turuan ng inyong mga magulang tungkol sa intimasiya. Sa responsibilidad na ito, hinihikayat ang mga magulang na magturo sa tahanan tungkol sa seksuwal na intimasiya nang tapatan at malinaw para tulungang makaiwas ang kanilang mga anak na makagawa ng mabibigat na kasalanan. May mga materyal pa nga ang Simbahan para makatulong sa pagtuturong ito.

Pagdating sa itinuturo sa inyo sa paaralan tungkol sa sex, hinikayat na ng mga pinuno ng Simbahan ang inyong mga magulang na alamin kung ano ang itinuturo doon at ano ang magagawa nila upang matiyak na naaayon ito sa mabuting moralidad at asal.