2017
Sulok para sa Tanong
March 2017


Sulok para sa Tanong

Kung minsan naiinis ako sa pamilya ko. Ano ang magagawa ko?

Larawan
Question Corner

Manalangin sa Ama sa Langit at hilingin sa Kanya na tulungan kang maging mabait sa pamilya mo. Yakapin sila.

Noah F., edad 10, Queensland, Australia

Giulia: Sikapin mong isipin ang lahat ng masasayang panahon na kasama mo sila, at isipin ang masasayang panahong iyon at na hindi perpekto ang mga tao.

Bruna: Kahit hindi sila magsabi ng “sori,” patatawarin ko sila.

Giulia at Bruna R., edad 13 at 8, São Paulo, Brazil

Kung naiinis ako sa kapatid kong musmos, inaayos ko ang kama niya o ipinaghahanda ko siya ng pagkain. Gusto ko ring gumawa ng mga card, gumawa ng mga ekstrang gawaing-bahay, at magdasal. Nadarama ko na sinasabi sa akin ng Espiritu na tama ang ginawa ko.

Adeline B., edad 9, Tennessee, USA

Magdarasal ako, magdaraos ng mga family home evening, at kakausapin ko sila.

Luisa R., edad 9, Baja California, Mexico

Julia: Maaari akong maging mabait sa pamilya ko, at kapag naiinis ako, puwede kong sabihin na mahal ko sila at magpapakita ako ng kabaitan. Maaari kong sundin ang Tagapagligtas at magpakita ng pagmamahal sa kanila.

Darrin: Basta maging masaya ka lang at bahaginan at pagsilbihan mo sila.

Julia at Darrin S., edad 8 at 6, New Mexico, USA