2017
Bininyagan si Jesus
March 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Bininyagan si Jesus

Larawan
Jesus Was Baptized 1
Larawan
Jesus Was Baptized 2
Larawan
Jesus Was Baptized 3

Si Juan Bautista ay isang dakilang propeta. Tinuruan niya ang mga tao na magsisi. Pagkatapos ay bininyagan niya sila.

Isang araw nagbinyag si Juan sa ilog ng Jordan. Dumating si Jesus at hiniling kay Juan na binyagan siya. Alam ni Juan na walang anumang kasalanan si Jesus. Kung gayo’y bakit gustong magpabinyag ni Jesus?

Sinabi ni Jesus na kailangan Niyang sundin ang lahat ng kautusan. Ang pagpapabinyag ay isang kautusan.

Matapos binyagan ni Juan si Jesus, dumating ang isang kalapati para ipakita na naroon ang Espiritu Santo. Narinig ang tinig ng Ama sa Langit mula sa langit, na nagsasabing, “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17).

Maaari nating sundin ang mga kautusan at piliing magpabinyag, tulad ni Jesus. Pagkatapos ay maaari tayong makumpirma at magkaroon din ng kaloob na Espiritu Santo.