2017
Pagpipinta ng Puso
March 2017


Mga Batang Mapagmahal

Pagpipinta ng Puso

Larawan
Painting Love

Hi! Ako si Lucy!

Nakatira ako sa Utah, USA, sa piling ng pamilya ko. Mahilig akong magpinta, at gusto kong magpakita ng pagmamahal sa iba.

Lumalakas

Ipinanganak si Lucy na may karamdamang nagsasanhi ng di-maayos na koordinasyon ng kanyang mga kalamnan. Hirap siyang lumunok at magsalita. Sumasakay siya sa isang espesyal na bisikleta at sumasama sa pamilya niya sa hiking para tulungan siyang lumakas.

Painting

Ang nanay ni Lucy ay isang artist. Noong sanggol pa si Lucy, gustung-gusto niyang panooring magpinta ang nanay niya. Ngayo’y tinuturuan din siya ng kanyang ina na magpinta. Mahilig gumamit si Lucy ng mga kulay na magandang pagsama-samahin, at maingat siyang magpinta. Balang-araw gusto niyang magkaroon sila ng art studio ng kanyang ina.

Ang Puso ni Lucy

Sumali si Lucy at ang mga ate niya sa isang art contest sa eskuwelahan nila tungkol sa pagpapaganda ng mundo. Alam ni Lucy na gusto niyang magpinta ng puso. Sabi niya, “Magiging mas magandang lugar ang mundo kung may pag-ibig sa ating puso.”

Isang Mapagmahal na Kapatid

Nang malaman ni Lucy na ang painting niya ang nanalo sa paligsahan, sinabi niya sa ate niyang si Ruby, “Napakaganda ng painting mo. Sana ikaw ang nanalo sa halip na ako.” Hindi makapaniwala si Lucy nang malaman niya na ang painting niya rin ang nanalo sa paligsahan sa buong Estados Unidos!

Isang Espesyal na Paraan para Makipag-ugnayan

Mahirap para kay Lucy na sabihin sa iba ang nadarama niya. Pero gusto niyang tulungan ang mga tao na madamang minamahal sila at maging masaya sila. At iyan ang ginagawa ng mga painting niya!