2016
Nangusap sa Akin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Isang Mensahe sa Kumperensya
April 2016


Mga Kabataan

Nangusap sa Akin ang Ama sa Langit sa pamamagitan ng Isang Mensahe sa Kumperensya

Ang awtor ay naninirahan sa Sergipe, Brazil.

Nag-aalinlangan ako noon kung ano ang dapat kong pag-aralan sa unibersidad. Hindi maganda ang sinasabi ng marami tungkol sa kursong gustong kong kunin, kaya nanalangin ako sa Panginoon para malaman kung sang-ayon Siya sa desisyon ko.

Dumating ang sagot kinabukasan habang binabasa ko ang isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa Liahona. Pakiramdam ko’y sinasabi noon sa akin ng Ama sa Langit na hindi Siya maaaring magpasiya para sa akin—ito ay isang desisyon na kailangan kong gawing mag-isa. Alam ko na anuman ang ipasiya ko, kailangan kong magsikap nang husto para magtagumpay.

Alam ko na sinagot ang aking dalangin. Ang pagpapatibay ng Espiritu Santo ay nakatulong sa akin na gumawa ng desisyon. Natutuhan kong ibigay ang lahat ng kaya ko at nalaman ko na tutulungan ako ng Ama sa Langit.