2016
Ano ang ginagawa ng mga Apostol?
April 2016


Mga Sagot mula sa Isang Apostol

Ano ang ginagawa ng mga Apostol?

Mula sa Face to Face worldwide broadcast nina Elder at Sister Bednar.

Larawan
what do Apostles do

Ang mga Apostol ay mga lingkod ng Panginoon. Naglalakbay sila para bumisita sa mga miyembro ng Simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Noong unang pagkakataon kong maglakbay bilang Apostol, nakilala ko ang isang lalaking nahihirapang sundin ang Word of Wisdom. Sabi ko sa kanya, “Isinugo ako ng Panginoon dito para bigyan ka ng isang simpleng mensahe: ‘Magagawa mo ito. Ipinapangako ko na matatamo mo ang Kanyang tulong sa pagharap mo sa hamong ito.’”

Isusugo ba ng Panginoon ang isa sa Labindalawang Apostol sa kabilang panig ng mundo para tulungan lang ang isang tao? Ang sagot ay oo. Lagi Niyang ginagawa iyan.