2016
Mga Ideya para sa Family Home Evening
April 2016


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang isang halimbawa.

Larawan
family on a bench

“Kahit Mahiyain Ka,” pahina 60: Magagamit ninyo ang inyong family home evening para ibahagi ang ebanghelyo! Talakayin sa pamilya ang mga takot na nagpapahirap sa inyo na ibahagi ang ebanghelyo. Maaari kayong manalangin bilang pamilya na tulungan kayo ng Panginoon na maging tiwala sa pagbabahagi ng ebanghelyo at saka ninyo ipagdasal kung sino ang maaanyayahan ninyo sa family home evening. Isiping anyayahan ang bawat miyembro ng pamilya na magpatotoo sa oras sa lesson. Maaari ninyong piliing magturo ng isang lesson tungkol sa Panunumbalik o plano ng kaligtasan. Isiping itala ang inyong karanasan at damdamin sa inyong journal.