2010
Isang Gabay na Tutulong sa Atin na Makauwi
Setyembre 2010


Mga Bata

Isang Gabay na Tutulong sa Atin na Makauwi

Ano ang madarama mo kung naligaw ka at hindi mo alam ang daan pauwi sa iyong pamilya? Magiging masaya ka ba kung may masusundan kang isang tao na magtuturo sa iyo ng daan? Sinabi ni Pangulong Eyring na ang Aklat ni Mormon ay parang isang gabay na tumutulong sa atin na makauwi sa Ama sa Langit.

Tingnan ang mga larawan ng ilang bagay na sinasabi ng Aklat ni Mormon na kailangan nating gawin upang makauwi. Basahin ang 2 Nephi 31:10, 11, 20. Sa ilalim ng bawat larawan, isulat ang wastong talata mula sa Aklat ni Mormon. Kakailanganin mong gamitin nang dalawang beses ang isa sa mga talata.

Magsisi at magpabinyag.

Magkaroon ng kaliwanagan ng pag-asa.

Ibigin ang Diyos at ang lahat ng tao.

Sumunod kay Jesus.