2010
Ano ang Korum ng Priesthood?
Setyembre 2010


Natatanging Saksi

Ano ang Korum ng Priesthood?

Mula sa “The Priesthood Quorum,” Liahona, Ene. 1999, 47–49.

Ibinahagi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa kanyang mga ideya tungkol sa paksang ito.

Larawan
Elder D. Todd Christofferson

Sa mga banal na kasulatan nakasalig ang mga korum ng priesthood at ang kani-kanilang mga tungkulin sa Simbahan ni Jesucristo ngayon.

Kapag nagpupulong sa klase ang isang korum o grupo ng priesthood, magkakasamang matututo ang mga miyembro nito, “mapa[pa]ngalagaan ng mabuting salita ng Diyos” (Moroni 6:4), at lalago sa espirituwal.

Ang korum ay isang yunit sa paglilingkod. Ang mga korum ng Melchizedek at Aaronic Priesthood ay maghahangad ng paglilingkod.

Bawat isa sa inyo na tumanggap na ng ordenasyon sa priesthood ay kabilang sa isang korum. Kung ikaw ay nakatira sa isang lugar kung saan walang sapat na bilang ng kalalakihan para makabuo ng isang korum, ikaw ay miyembro ng isang grupo ng priesthood na magiging isang korum.

Magpasiya ngayon na gawin ang lahat ng makakaya mo upang maging karapat-dapat ang iyong korum ng priesthood na matawag sa gayong pangalan at maging tapat sa misyon nito.

Kanan: mga paglalarawan ni Jennifer Tolman